Monday, November 17, 2008

GMA clemency plea for OFWs not enough

source: http://globalnation.inquirer.net/news/breakingnews/view/20081115-172426/GMA-clemency-plea-for-OFWs-not-enough


Ang pagbibigay ng clemency para sa mga OFW—hindi ba ito ay isa sa mga paraan ng Pangulo para naman luminis ang kanyang pangalan? Sinabi nga niyang mayroon siyang ginagawa pero hindi naman natin nakikita ang kanyang pisikal na kaanyuang nakikipag-usap sa mga dapat kausapin sa ibang bansa. Bakit? Hindi ba’t malapit na ang eleksyon at kailangan na niyang magpaganda sa masang Pilipino? Maaaring sa Hunyo pa ito ng 2010 pero kailangan niya ang halos dalawang taon para lamang sa paglilinis ng kanyang pangalan.
Makikita natin sa mga resulta na nakalap ng Social Weather Station na talagang bumababa talaga ang ratings sa Pangulo. Malamang, siya ay nangangambang kakarampot lamang ang boboto sa kanya. Nasabi ko ito dahil mananatiling mulat sa mga isipan ng mga Pilipino kung paano siya nagmamakaawang humingi ng tawad sa buong sambayanan noong lumabas ang eskandalo na: “Hello Garci”. Maaaring may pananggagalingan siya kung bakit niya ginawa ang pandarayang ito ngunit hindi maiintindihan ng marami ang kanyang makasariling intensyon.
Gusto rin luminis ng Pangulo ang kanyang pangalan para naman hindi maging masama ang tingin sa kanya ng mga Pangulo ng ibang bansa dahil nakakahiya ito sa mga iyon. Sa kasalukuyan, maraming mga blogs at mga sulat sa dyaryo na gusto siya patalsikin sa kanyang kinauupuan pero nananatili siyang matatag at hindi nagpapatinag sa mga ito. Bakit? Marami kasi ang mga nakapaligid sa kanyang mga pulitiko na pinoprotektahan siya na kahit ano ang mangyari ay hindi siya hahayaang pabagsakin para manatili sila sa kani-kanilang mga puwesto.
Kung ikaw ang kamag-anak ng mga taong nasasakdal sa ibang bansa, aasa ka pa ba na magagawan ng paraan ng ating Pangulo ang sitwasyong iyon? Sa tingin mo, malinis ba ang kanyang hangarin sa pagtulong sa inyo? Kasi kung malinis talaga ang intensyon niya, napabilis na sana ang pag-usad ng kaso, hindi ba?

1 comment:

fioey09 said...

Oo. possible nga na gusto lang talaga tumulong ni GMA, pero i do not think that this is the case here and now. I think she's just trying to give herself a good image before bowing out of power. And yeah i do not think she has the capacity or the capability to help OFWs since is she could then she would have done so a long time ago.