source: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20081116-172467/Abus-free-aid-worker-ransom-paid
Abu Sayyaf ang hinihinalang nasa likod ng pagkakadakip kay Merlie “Milet” Mendoza. Bakit nga ba nila ito ginagawa? Ano ba ang kanilang motibo? Hindi ba’t malaki na ang takot ng mga Pilipino sa kanila sa tuwing nagkakaroon ng palitan ng putok ang mga bandidong Abu Sayyaf at ang mga militar?
Sa aking palagay, ginagawa nila ito para makakuha ng pera. Hindi naman kasi lahat ng mga Muslim na sumasali doon ay nagsasabi sa kani-kanilang pamilya na sasali sila sa ganoong samahan. Kaya ang ibang sumasali doon ay iniiwan ang trabahong pinasukan nila para mamundok. Sa bundok naman kasi,walang pagkain at malamang, tipid parin ang mga miyembro ng samahang iyon para hindi sila matiktikan ng mga military na naka-abang para hulihin sila.
Sa aking opinyon, ang kanilang motibo ay para mapansin sila dahil hindi naman sila binibigyang pansin ng gobyerno. Pero marahil, ang gobyerno ay may dahilan kung bakit hindi nila pinapansin ang mga kagustuhan ng Abu Sayyaf. Sa tingin ko, ang gobyerno ay hindi naniniwala sa mga gusto ng Abu Sayyaf. Paano naman kasi tatawaging Pilipinas an gating bansa kung gusto nilang ihiwalay ang kanilang sarili sa ating bansa para sila ay maging “malaya”? Para sa akin, sila lamang ang nag-iisip na hindi sila malaya dahil ang mga Katoliko ay nirerespeto ang mga Muslim at malamang, gusto rin ng mga Katoliko na galangin sila ng mga Muslim. Kaya siguro ang mga Katoliko ay nagtataka kung bakit sila ang parating puntirya ng mga bandidong ito.
Kung ano pa man ang rason ng kanilang samahan at motibo ng kanilang samahan, sana isipin parin nila na sila ay mga Pilipino parin. Hindi naman dapat nag-aaway ang mga Katoliko at mga Muslim sa ating bansa dahil tayo ay nagsasalita ng isang lenggwahe kaya hindi dapat natin iniisip ang paghahati sa Pilipinas. Kung ikaw ay isang Pilipino, magagalit ka ba sa mga bandidong Abu Sayyaf?
Monday, November 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Galit ako sa Abu Sayyaf dahil yung mga ginagawa nila ay nagpapahirap sa buong bansa. Pero wag naman nating sabihin na hindi sila binibigyang pansin ng gobyerno, after all may mga world economic crisis na tingin ko ay nag tatake precidence over them.
Post a Comment