GMANews.TV - Friday, August 8
MANILA, Philippines - About three of five Filipinos view climate change as dangerous to the environment, while slightly more than half of Filipinos blame man's destructive ways on recent calamities.
This was the findings of a climate change survey conducted on 1,200 respondents by Pulse Asia last July 1 to 14.
"Sizeable percentages of Filipinos view climate change as being dangerous for the environment (61%) as well as for their families and themselves (62%). This is the view expressed by near to considerable majorities (49% to 69%) in all geographic areas and socio-economic classes," it said in its website.
In contrast, 11% of Filipinos do not think climate change is dangerous for the environment as well as themselves and their families while 27% to 28% expressed public ambivalence, Pulse Asia said.
The survey also showed that more than half of the respondents attribute the recent calamities in the Philippines and other parts of the world to mankind's destructive ways.
"For 54% of Filipinos, people have only themselves to blame for the typhoons, flooding, landslides, and other calamities that occurred in the Philippines and other countries in recent months," Pulse Asia said.
It noted that this is the predominant sentiment in nearly all geographic areas and socio-economic classes (48% to 62%).
Although 3 in 5 Pinoys recognize dangers, I would have to react that these people who do recognize actually don't do something about it.
It is an irony that Filipinos know what is happening to the environment, yet they don't even lift a finger about saving the planet. It may be possible that those people have concern for other issues, but the present situation of the earth is not improving at all. And it would be a shame for them to use all their skills on things which they think are "more important".
What do you think of that?
2 comments:
The climate are very drastic for the recent years. It is evident that the change the pollution rate affected the sudden climate change. Every year the population increases and there is never time it decreased which means there will be more pollution added. Imagine how much one person produces waste in a day and multiply it be the amount of people in our country. It must be very plenty and it is important to educate the people to learn proper waste management and how to be a less polluter.
Sa panahong itong napakabilis na ng takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino at tila wala nang oras ang karamihan upang magbasa ukol sa mga nangyayari sa paligid, hindi maipagkakailang nakagugulat ang mga detalyeng lumabas sa balitang ito. Totoo, nakatutuwang isipin na karamihan sa ating mga Pilipino ay kahit papaano’y may alam ukol sa mga masasamang bagay na maaaring maidulot ng climate change sa ating lahat. Maraming bagay ang ipinapahiwatig ng balitang ito. Una, makikita na sa kabila ng tila pagkalulong ng maraming Pilipino sa mga walang katuturang bagay (tulad ng walang katapusang pagpapayaman at pagkahumaling sa mga materyal na bagay), marami pa rin ang nag-ukol ng oras upang magkaroon sila ng kaalaman ukol sa climate change. Isa pa, nabanggit sa artikulo na aminado ang malaking porsyento ng mga naksali sa survey na ang mga tao ang dapat sisihin sa mga kalamidad na nangyayari sa panahong ito. Ipinapahiwatig ng detalyeng ito na kahit papaano’y alam ng mga Pilipinong mayroon silang mga masasamang naidudulot sa ating kalikasan na nagdudulot ng iba’t ibang kalamidad. Pang huli, nabanggit din sa atikulo na mayroong ilang sangay ng gobyerno na gumagawa ng paraan upang maipaalam sa mga tao at mabawasan kahit papaano ang epekto ng climate change sa kalikasan. Mahalaga ang bagay na ito sapagkat ipinapahiwatig nito na sa kabila ng mga hindi magagandang balitang kinasasangkutan ng gobyerno, mayroon pa rin naman palang nagagawang maganda ang ilang sangay ng gobyerno. Nagpapahiwatig ito na kahit papaano pala’y iniisip pa rin ng gobyerno ang mga pinagsisilbihan nitong mga Pilipino.
Subalit, may ilang mahahalagang mga bagay mula sa artikulo na tila nakaagaw ng aking pansin. Una, sa kabila ng positibong detalye na karamihan sa ating mga Pilipino ay may alam ukol sa climate change, mapapansing tila hindi gaanong mataas ang mga numerong nakuha mula sa survey. Totoo, mas mataas sa 50 porsyento ang mga numerong lumabas mula sa survey. Ngunit, hindi naman lalagpas sa 65 porsyento ang mga nagsabing may alam sila ukol sa climate change at sa maaari nitong idulot sa kalikasan at sa mga tao. Kung gayon, tila mababa pa rin ang bilang ng mga taong tunay na may alam sa climate change at sa maaaring epekto nito. Sa 1,200 kataong nakasali sa survey, humigit-kumulang 650 katao lamang ang may alam ukol sa isyung ito. At kung papalawakin ang survey,lalabas na tila kalahati lng ng mga Pilipino ang may alam ukol sa bagay na ito. Kaunti lamang, hindi ba? Kung gayon, ipinapahiwatig nito na sa kasalukuya’y hindi pa rin gaano laganap ang isyu ng climate change sa kabila ng mga babalang kakabit ng isyung ito.
Maliban dito, agaw-pansin din ang pag-amin ng ilang Pilipino na tao ang may kasalanan sa paglala ng mga kalamidad na nangyari at nangyayari. Totoo, nakatutuwang isipin na kahit papaano’y nakikita ng mga Pilipino ang mga naidudulot ng kapabayaan sa kalikasan. Subalit, ayon din sa nabanggit ng ibang nagkumento na, tila wala pa ring ginagawa ang mga tao upang maiwasan ang mga kalamidad. Hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa pagmamalabis sa kalikasan. Nariyang kung saan saan na lamang nagtatapon ng basura kahit na alam nilang maaaring magdulot ito ng pagbabara ng mga drainage at, kung umulan, magdulat ng mga baha. Nariyan din namang patuloy pa rin ang pagpuputol na mga punong nasa gilid ng mga bundok. Tuwing malakas tuloy ang ulan, hindi maiwasang magkaroon ng landslide sapagkat wala nang mga punong sumisipsip ng tubig mula sa ulan. Samakatuwid, hindi natatapos sa realisasyon ng tao na tayo ang dapat sisihin sa mga kalamidad na ito – dapat umaksyon.
Isa marahil sa mga dahilan kung bakit hindi umaaksyon ang mga tao tungo sa pag-alaga sa kalikasan (at dahilan din sa hindi mapigilang epekto ng climate change) ay kakulangan sa kaalaman ukol dito. Totoo, magandang balita na ilang sangay ng gobyerno ang gumagawa ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng climate change. Walang kaduda-dudang mahalagang hakbang ito. Ngunit, bakit tila hindi pa rin umaaksyon ang mga tao? Dahil hindi gaanong pumupukaw sa pansin nila ang mensahe ng mga sangay ng gobyerno na ito. Mas makabubuti siguro kung mas suportahan ng gobyerno ang mga nabanggit na sangay. Kung maaari siguro, bigyan ng mas mahalaking halaga ang mga sangay na ito upang mapalaganap lalo ang mga imprmasyon ukol sa mga programang ginagawa nila. Subalit, pinakamainam kung hindi lamang ang mga matatanda ang bigyan ng impormasyon ukol sa isyung ito. Mas makabubuti kung pag-ukulan ng panahon ang isyung ito sa mga eskwelahan. Totoo, parte ng curriculum ng mga paaralan ang turuan ang mga estudyante ukol sa mga isyung may kinalaman sa kalikasan. Ngunit, tila hindi masyadong pinag-uukulan ng pansin ang bagay na ito. Tila hindi gaanong binibigyang diin ang importansya ng pagpapahalaga sa kalikasan. Kung gayon, marapat lamang na bigyan ng mas mahabang panahon ang pagtuturo ukol sa mga isyung ito. Mabuti rin kung mas bigyang panahon din ang ilang mga activities sa paaralan na magtuturo sa mga estudyante kung paano mapipigilan ang lumalalang epekto ng climate change sa atin at sa kalikasan. Dapat tandaan na kaalaman ang susi sa tagumpay. At kung hindi magiging bukas ang mata ng mga tao (lalo na ng mga kabataan) sa epekto ng climate change, hindi magiging posible ang pagsugpo o pagpigil sa epekto nito.
Post a Comment