Thursday, June 19, 2008

Clinic staff in liposuction patient’s death released

source:http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view_article.php?article_id=143464

Clinic staff in liposuction patient’s death released
By Marlon RamosPhilippine Daily InquirerFirst Posted 00:51am (Mla time) 06/19/2008


MANILA, Philippines – The Quezon City police released three doctors and three nurses who were facing homicide charges after their patient died on the operating table in a clinic in Libis, Quezon City, on Monday.
Anesthesiologist Dr. Nylene Arizala-Tan, cosmetic surgeon Dr. Peregrino Lorenzo VII, assistant surgeon Dr. Joel Unson, nurse aides Joey Budomo, Fionna Francisco and Djoanah Melissa Cave were allowed to go home Tuesday afternoon, according to Supt. Franklin Moises Mabanag.
Mabanag, chief of the QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), said the suspects were released from the QCPD-CIDU jail in Camp Karingal, Quezon City after they underwent inquest proceedings in connection with the charge of homicide resulting from reckless imprudence filed against them.
He added that the Quezon City prosecutor’s office ordered the six released “for further investigation.”
The patient, Mary Jane Arciaga, 30, who had just come home from Dubai, died while undergoing liposuction at the Borough Medical Care Institute, located at the 6th floor of Cyber One Mall building, Eastwood City in Barangay Bagumbayan.
“We are still awaiting for the result of the histopathological exam done on the victim. Only then we can ascertain the actual participation of the suspects,” Mabanag told the Inquirer.
Relatives of the victim, meanwhile, expressed concern over the possibility that the accused might leave the country.
“We put our complete trust in Superintendent Mabanag and those investigating the incident. We’re hoping nothing will come up to jeopardize the police investigation,” Adelaida Tensuan, the victim’s aunt, told Inquirer.
Keith Nieto, the clinic’s legal counsel, said they were willing to cooperate with the police investigation. He maintained that their staff was “innocent of the charges until proven otherwise.”
“We also want to ferret out the truth behind her death. We want to know if our personnel were really liable for anything,” he said.

5 comments:

Bitterblossom said...

Everyone is indeed innocent until proven guilty. Everyone should undergo a fair trial and an untampered investigation.

But still, if the suspects were involved in the death of the victim, they should receive the penalty they deserve.

BDTQ said...

If liposuction was indeed the cause of her death, this is my comment.

If people want to look beautiful, then a healthy and balanced diet must be observed to prevent from becoming fat in the first place. But if one is already overweight, then she should be patient enough to lose weight naturally. Exercise and healthy eating is the right answer to a good-conditioned body, not liposuction(the artificial way). If the victim was persistent enough to exercise and eat right, then she wouldn't die just like that. I blame the modern style that EVERYTHING must be done instantly, including fastfoods and losing weight. With fastfoods or instant foods, one gets all junk and no nutrients, causing one to get fat easily. With pills to lose weight instantly or liposuction, there are side effects and risks to death.

Natural ways---exercise and healthy eating---that give everyone benefits must be relived so that news like this won’t occur again.

amiel111 said...

Anyone who undergoes cosmetic surgery must be ready for its consequences,but the surgeons must also ensure the patient's safety.

Quick Brown Fox said...

It's a tricky issue. They have to be held accountable because they hold someone else's life in their hands. But then the patient should also know the risks involved in that kind of surgery.

ilovemickey said...

Ano ba ang kagandahan? Noong panahon ng mga Griyego, naniniwala ang mga tao na ang lahat ay mabuti (verum). Ang kabutihang ito, karaniwan, ay kongkretong nakikita sa lahat ng magaganda. Kung gayon, noong panahon ng mga Griyego, ang mabuti ay maganda at ang maganda ay mabuti. Halimbawa, ang kalikasan ay mabuti sapagkat maganda ang kalikasan. At dahil ang lahat ay maganda, ang lahat ay mabuti. Ano, kung ganoon, ang pangit noong panahon ng mga Griyego? Ang pangit ay ang hindi mabuti. Mas mahalaga, ang pangit ay nagiging pangit dahil sinira ng tao ang isang bagay na orihinal na mabuti. Samakatuwid, ang pangit, noong unang panahon, ay isang mabuting bagay na naging hindi mabuti. At maaaring maging maganda ang pangit.

Subalit, ang dating paniniwala sa lahat ay mabuti (lahat ay maganda) ay nawala dahil sa modernisasyon. Ngayon tuloy, ang maganda ay hindi na nakasalalay sa kung mabuti ba ito o hindi. Simula nang naging sentro na ng lahat ang tao (dahil sa modernisasyon), kinailanagan nang umayon ng lahat sa punto de bista ng tao; hindi na ang tao ang umaayon at sumusunod sa dinidikta ng kalikasan. Dahil din dito, naiba na ang paniniwala ng tao ukol sa kung ano ang maganda at mabuti. Naging hiwalay na sa maganda ang mabuti at ang pisikal na anyo na ang naging basehan para sa kagandahan. Ngayon, ang magandang tao ay hindi na yaong may magandang kalooban kundi yaong sexy, payat, maganda ang binti (walang peklat), maputi, at kung anu ano pa; iyong mga pangit naman ang mga hindi swak sa mga nabanggit na kategorya.

Hindi maipagkakailang dahil sa matinding pagnanais na umayon sa modernong kahulugan ng kagandahan, maraming tao, lalo na ang mga babae, ang nagnanais na ayusin ang kanilang pisikal na kaanyuan. Ito, marahil, ang ginawa ng babaeng biktima sa artikulong ito. Sa kanyang pagnanais na maging tanggap o makabilang sa tinatawag na “maganda”, hinayaan niyang ilagay sa alanganin ang kanyang katawan. Para lamang mabago ang hubog ng kanyang pangangatawan at maging payat, hinayaan niyang pagdaanan ng kanyang katawan ang liposuction, isang prosesong (maliban sa pagiging mahal) ay masakit at mapanganib din.

Kasama rin ng pagnanais ng mga “pangit” (sa mata ng lipunan) na baguhin ang kanilang anyo ang patuloy na pagtulak ng kaisipang kapitalismo tungo sa malawakang pagtatayo ng mga institusyong tutugon sa nasabing pagnanais. Noon, laganap ang mga dermatology clinics na tumugon sa problema ng napakaraming tao (babae at lalaki) – pimples. Sumunod ang pagtatayo ng mga spa at ilan pang mga kumpanyang tumugon sa pangangailangang i-pamper ang katawan. Hanggang sa todo-hin na ang lahat at ngayo’y laganap na ang mga surgical clinics na nagreretoke ng mga parte ng katawan kasama na ang pagpapatangos ng ilong, pagpapabawas ng dibdib at, siyempre, pagbabawas ng taba. Totoo, malaki ang kita sa mga ganitong kumpanya. Ngunit, kung titignang mabuti, mapapansing inilalagay ng mga nasabing kumpanya sa panganib ang bawat kliyenteng papasok sa kanilang gusali.

Sa issue ng pagkamatay ng babaeng sinubukang magpaliposuction, dalawang anggulo ang lumilitaw – ang isa mula sa panig ng biktima at isa mula sa panig ng mga akusado. Sa panig ng biktima, walang kaduda-dudang desidido siyang pumayat nang mabilisan. Walang makaaalam kung bakit pinili pa niyang sumailalim sa nasabing medical procedure sa halip na magpapayat na lamang sa natural na paraan. Hindi naman natin siya masisisi kung talagang gusto na niyang pumayat agad. Ngunit, sa anggulong ito, makikita ang tila kawalan ng pagpapahalaga ng sinabing binibini sa kanyang katawan. Tila ginawa niyang isang obheto na lamang ang kanyang katawan at hinayaan niyang kalikutin ito ng mga doktor at mga nars. Hindi niya naisip na sa kabila ng pagiging mataba niya, maipapakita pa rin naman niya ang kanyang tunay at bukal na pagkatao. Muli, hindi naman naman siya maaaring sisihin. Sa panahon kasi ngayon, tila mas importante ang pisikal na kagandahan kaysa bukal na kalooban.

Sa panig naman ng mga gumawa ng proseso, hindi natin sila agad maaaring sisihin sa nangyari. Madaling sabihin na hindi sila nag-ingat. Ngunit, dapat isaisip na hindi naman siguro nila sasadyaing patayin ang isang kliyente. Unang una, sino ang gusting pumatay, di ba? Ikalawa, hindi kikita ang kanilang kumpanya (o clinic) kung sasadyain nilang patayin ang pasyente nila. Ikatlo, siguradong mawawalan sila ng lisensya bilang mga doktor at mga nars kung sasadyain nilang patayin ang pasyente. Kung gayon, naniniwala akong tama lang ang naging desisyon ng mga pulis na palayain ang mga akusado. Hindi pa naman kasi talaga napatutunayan na kasalanan ng mga doktor at nars ang pagkamatay ng biktima. Marahil, nagkaroon ng komplikasyon sa katawan ang biktima dahil sa mga kemikal na ginamit habang ginagawa ang proseso kaya hindi na kinaya ng katawan nito at namatay. Iba-iba naman kasi ang pagtanggap ng katawan ng bawat tao sa mga kemikal na ginagamit sa ganitong proseso. Kung hindi kinaya ng katawan mo ang kemikal na ipinasok sa iyo, siguradong mamamatay ka nga. Maliban dito, maaari ring may sakit ang biktima na hindi niya alam tulad ng hypertension o sakit sa puso. Ang mga taong may sakit na ito ay hindi karaniwang hinahayaang sumailalim sa operasyon hangga’t hindi nasisisigurong hindi delikadong sumailalim sa operasyon ang pasyente. Maaari kasing magmalfunction ang puso at makamatay kung hahayaang sumailalim agad sa isang operasyon ang isang taong may ganitong sakit.

Maraming maaaring nangyari habang inooperahan ang nasabing biktima kung kaya’t namatay ito. Nasa kamay man siya ng mga doktor nang siya’y binawian ng buhay, hindi agad nangangahulugan na ginusto at sinadya ng mga doktor na mamatay siya. Mas mabuti nga siguro na pag-aralang mabuti ang pagkamatay ng nasabing biktima bago tuluyang ipiit ang mga akusado. Ika nga, “an accused remains innocent of the charges until proven otherwise.” Mas malaking gulo pa ang mangyayari kung ikukulong agad nang walang ebidensya laban sa mga akusado. Isa pa, mas mabibigyang linaw ang lahat at mas mailalabas ang katotohanan kung pag-aaralang mabuti ang mga nangyari. Mas matatakot lamang kasing magsalita ng katotohanan ang mga akusado kung ikukulong agad sila.

Kahit na hindi nakulong ang mga akusado, hindi maipagkakaila ang aral na dala ng balitang ito: hindi worth isakripisyo ang buhay mo para lang matawag kang “maganda”. Masaklap isipin na may namamatay dahil lang sa pagnanais na matanggap ng lipunan. Hindi kailanmang magiging sapat ang pagkakaroon ng pekeng kagandahan para ibuwis ang buhay mo. Ang mahalaga naman kasi, matanggap mo ang sarili mo. Dahil kung mahahalin at matatanggap mo ang sarili mo sa kabila ng mga limitasyon ng katawan mo, magagawa ka ring mahalin ng ibang tao.