Ayon kay Estrelita Juliano Tamano, chairwoman ng Federation of International Cable Association of the
"Libo ang tao, pero walang monitor, walang announcement, walang sound system. Ang daming foreigners na nagagalit," ayon kay Tamano, kabilang sa mga pasahero na nagrereklamo, nang makapanayam ng dzRH radio nitong Sabado.
Idinadaan na lamang umano ng ilang information officer sa pagsigaw ang pagpapalit ng flight information, habang ang iba naman ay walang maisagot sa ibang nagtatanong tungkol sa biyahe.
Dahil dito, hindi umano maiwasan na magkaroon ng bangayan sa pagitan ng mga pasahero at personnel.
Ikinuwento ni Tamano na isang pasahero umano ang hindi napigilan ang sarili na pagsalitaan ang isang information officer ng: "Bakit ka narito wala kang nalalaman."
Pinuna rin niya ang kawalan ng upuan sa terminal kaya ilang pasahero ang napipilitang umupo sa sahig. "Dapat ‘di pa binuksan kasi chaos ito," aniya.
Sa kabila nito, itinuturing “birth pains" ni Manila International Airport Authority head Alfonso Cusi, ang mga naglabasang problema.
"Titingnan natin 'yan at paaksyunan. Kahapon lang simula ng transfer international flight, nag-a-adjust ang tao," paliwanag ng opisyal. - GMANews.TV
Source: http://www.gmanews.tv/story/111075/Reklamo-bumaha-sa-pagbubukas-ng-Terminal-3-ng-NAIA
Para sa akin, hindi dapat pinahintulutan ang pagbubukas ng NAIA 3 gayung hindi pa pala ito handa sa operasyon. Ang NAIA 3 ang ipinagmamalaking pinakamodernong airport terminal sa bansa ngayon, ngunit sa mga reklamo at problemang kinahaharap nito hindi pa ata ito maituturing na handa at moderno. Dapat naisip na at nabigyan ng nararapat na aksyon ang mga problemang maaari nitong maharap nang sa gayon ay walang maaabalang mga pasahero. Hindi rin naman ata tama ang ginawang pagsasalita ng isang naubusan ng pasesnsyang pasahero ang isang information officer. Hindi naman siguro tatanggap ang NAIA 3 ng mga walang alam pero kung totoong wala ngang nalalaman ang information officer nay un, dapat ay palitan na.
9 comments:
Ayan ang sakit nating mga Pilipino e. Pinipilit natin ang mga ilang bagay, kagaya ng NAIA 3 na mabuksan na, pero yun pala, hindi pa sapat o wasto ang mga facilities nito. Tuloy, tayo ay napapahiya hindi lang sa ilan nating mga kababayan kundi na rin sa mga dayuhan. Sana ay malunasan at maiwasan na ang mga pangyayaring ganoon dahil maari pa itong mag-tungo sa mas grabeng okasyon - ang mabawasan ang pagtangkilik ng mga tao sa ating bansa dahil sa mahinang sistema ng pagpapatakbo dito.
so many years in the making and NAIA 3 is still in bad shape. is this how we pinoys make things nowadays?
-alg
Opening NAIA 3 is just like any other project in the Philippines. Something is wrong with every project made possible in the country. The planners are not doing a good job in fulfilling their duties to keep everyone safe. They dpn't check first of the possible side effects of their different projects like this new airport. In spite of opening a new airport for the people's comfort and for other countries to know that we are progressing, we still have to keep it to ourselves, because of poor planning.
kasi sobrang tagal ng kaso ng naia 3...so siyempre matagal talaga na napabayaan...grabe sana naman bago nila binukas chineck nila kung okay na yoong lahat...hindi yoong kung kelan bukas na at ngayon palang nila gagawan ng paraan yoong mga problema...sayang naman yoong naia 3 kung ganoon...maganda pa naman sana...kaso hindi nila namaintain habang may kaso sila..
Tingin ko ay dapat muna nating pagbigyan ang NAIA 3. Walang nilikha na paglabas ay kumpleto na, ang lahat ay dumadaan sa pagbabago. Isipin na lang natin na ang NAIA 3 ay para lang sanggol. Ang sanggol ay kailangan alagaan, bigyan ng nutrisyon, edukasyon at pagmamahal at paglaki nito, magiging isang mabuting tao. Maaring ganun na lang din ang isipin natin sa NAIA 3, sa onting pag-aayos, at onting karagdagan pa ay magiging mas maganda ito at pagdating ng panahon, ito ang magdadala sa atin ng mas magandang kinabukasan.
MGA KATOTO, wag naman tayong laging mag-isip ng masama sa ating bansa. Minsan naman ay tignan natin ang mga pangyayaring ito sa mabuting angulo, minsan naman ay tignan natin ang ganda na naidudulot nito.
Kapag tayo ay nagsasabi ng palaging masasamang bagay at ang ating pinupuna lang ay ang maling gawain, eh di, nasaan na ang kagustuhan natin paunlarin ang ating bansa? Kung anong maganda ay siyang ipagmalaki at ang masama ay siyang sugpuin.
this disappointed me because if you look at the terminal outside it looks very well made. it also looks "high tech" compared to the other terminals.
What happened to the terminal 3? If equipments are still not yet complete then, why did the government open this terminal to the public? We wil have a bad impression to other countries if they heard this. Its been years that the terminal 3 could not be opened because the government cannot pay for the funds that are needed to build the structure and now that it has been fixed. What happened again? People saying that terminal 3 is "palpak". Can the Philippines really have a chance to redeem itself? It is also believable that the Philippines lost Thousands of pesos because of the delay that had happened in the said news.
ever wonder why naia 3 just opened just before the SONA. so that arroyo may something about development. In fact naia 3 terminal is only open for domestic flights but it can handle internatuional flights. its because id aint ready.
Post a Comment