source: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=124228
Good news muna tayo guys..
Dito pa lang sa taft avenue, sobrang kapal na ng usok kahit na umaga pa lang. Grabe ang dami ng sasakyan na nagdudulot lamang ng polusyon sa ating kapaligiran. Kaya ng mabalitaan ko na may tinatawag na E-jeepney, may pag-asa pa palang maligtas ang inang kalikasan sa karumal dumal na polusyong inaabot nito.
Sa mga di pa nakakaalam kung ano ang E-jeepney, ito ay ang Electronic-powered Jeepney. Sa Makati city ito unang ginamit noong Martes, Hulyo 1, 2008. Ninanais na gamitin ang E-jeepney bilang isang pampublikong transportasyon. Hindi lang ito nakakatulong sa pagbabawas ng polusyon, hindi na rin natin kinakailangan gumamit ng mga fossil fuels -- biofuels na ang alternatibo ng mga ito. Dahil sa panahon ngayon na patuloy na tumataas na ang presyo ng mga gasolina, kung e-jeepney na ang gagamitin, mas makakatipid na sila at mas malaki na ang maiipong pera ng mga jeepney drivers.
Ngunit may isang nangungunang problema sa pagsulong ng proyektong ito. Nasasabi na ang isang unit ng E-jeepney ay nagkakahalaga ng P500,000.00 o higit pa, kasing mahal na ng isang kotse. Pero kung titingnan natin ang mga benipisyong maaari nitong ibigay, tulad na lang ng malinis na hangin at mas malaking kita, sulit na rin ito.
Kung mabibigyang solusyong ang nasabing problema sa presyo nito, tila magiging mas maganda ang hinaharap natin, dahil sa unti-unti nating pagbabago, maaari na rin natin marating ang unti-unti ring kaginhawaan.

20 comments:
Napakagandang balita, mababawasan na rin ang usok sa ating kapaligiran. Kahit ako ay saksi sa problemang ito tungkol sa kapal at itim ng usok na binubuga ng mga jeepney na ito. Kung ako ay dumadaan doon sa may tulay, papuntang La Salle, kapag umaga, may nakikita akong parang itim na ulap ulan sa bandang horizon nito ngunit kung iyong susuriin, ito pala ay usok galing sa mga sasakyan katulad ng mga jeep.
Ang aking alam, ang mga E-Jeep na ito ay tahimik tumakbo hindi katulad ng jeep natin ngaun na ang ingay tumakbo. Ngunit nga lang, ang presyo ng mga E-Jeep na ito ang humahadlang sa pagka malawakan paggamit nito. Sana nga malutas ang problemang ito tungkol sa presyo o kaya't magkaroon ng alternatibong fuel na mas tipid o mura pa sa E Jeep. At pati na rin sa mga bus natin na nagbibigay rin ng makapal at maitim na usok.
Malaki ang maitutulong ng mga electronic-powered jeepneys na ito sa ating kalikasan. Tulad ng iyong nabanggit, mababawasan ang polusyon (air and noise pollution to be particular) sa ating bansa. Bukod dito, hindi na rin kailangan pang gumamit ng mahal na gasolina nito. Ang paggamit nito ay maaaring makaapekto sa ekonomiya ng ating bansa sa mabuting paraan. Ngunit tulad din ng iyong nabanggit, ito'y mahal at hindi kayang bilhin ng maraming Pilipino.
Tingin ko nama'y posibleng mapalitan ng mga E-jeepneys ang tradisyonal na jeep na meron tayo ngayon, yun nga lang ay ito'y matatagalan dahil hindi ito isang mabilis na proseso, maraming mga pagbabago ang dapat gawin.
Sana ay patuloy pang makagawa o makaimbento ang mga scientist ng mga bagay na siyang makakatulong sa ikauunlad ng bansa. Tingin ko ay ito'y isang magandang simula na, sana nga lang ay mag tuloy-tuloy ito..
Matagal ko na rin nababasa itong E-jeep. Maganda nga siya kaso mahirap ang panimula nito dahil mataas ang start-up cost nito na nasa P500,000. Ngunit, ngayong patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo kada linggo, at noong isang araw, nagtaas na naman ng P2.00 ang diesel kada litro, sa tingin ko'y hindi na kaya ng mga jeepney driver maguwi ng matinong halaga para sa pangaraw-araw. Sa boundary pa lamang talo na, mas lalo na sa presyo ng diesel, eh hindi nga sila makapagtaas masyado ng pamasahe eh. Maganda sana kung subsidized ng gobyerno, pero tama lang siguro na magkaroon ng mga alternatibong paraan ng pampublikong transportasyon, makakatulong na sa driver, pati na rin sa pasahero, at kapaligiran.
Mahusay nga naman ang mga Pilipino! :)
Good! less na usok sa taft :|
may kamahalan nga ang isang e-jeep pero hindi tayo dapat manghinayang dahil ikabubuti naman ito ng ating kalikasan at ito ay isa sa paraan upang makatipid ng gasolina.
Ang e-jeepney ay magiging dahilan ng pagangat ng ating economiya. At ito nakakapagtulong sa mga tao, dahil hinde natataas ang presyo ng pamagahe. AT ito ay nakakapagpabuti sa ating kalusugan.
khit na mahal.. atleast mlking 2long.. in the end.. tayo rin magbebenefit..
Well, I hope E-jeepneys will really solve this oil price crisis that we have. Aside from the questions about how much E-jeepney fares should be, I would also like to ask,"How much does it cost to recharge an E-Jeepney's battery?"
Filipino ingenuity never ceases to amaze me, we always find ways to keep ourselves going and here's another invention that's not only going to help in the oil crisis but also the pollution crisis. Yet there is a doubt in my mind would this invention yet again fail due to the lack of government support??
Ang galing naman! meron na palang e-jeepney, ngayon ko lang ito nabalitaan. Mahusay ang nakaimbento dahil talagang makakatulong ito sa pagbawas ng ating polusyon. Wala ng mausok sa daanan na nakapagbibigay ng sakit sa baga sa mga mamamayan. Makakatipid narin tayo sa pag gamit ng fuel. Ang problema nga lang ay mahal ang e-jeep at wala masyadong makakabili nito dahil mahirap narin ang buhay ngayon. Sana lang ay gumawa ng aksyon ang gobyerno para mapabuti pa ang transportasyong pampubliko.
Salamat, di na mausok sa Taft! Ngayon, sana yung baha naman ang gawan ng solusyon. =P
Maraming benefit ang bagong jeep na ito. Sana ituloy lang nila ang paggawa nito.
sana naman ay dalian nila mag produce ng mga jeepney na yan at ikalat sa bansa at palitan ung mga jeepney na "smoke belchers" para mabawas bawasan nmn ung mga usok sa lugar natin,
buti naman may e-jeepney. kahit saan na ata sa pilipinas mausok. ngayon mababawasan na. huwag na nilang isipin yung presyo ng e-jeepney, it's only money. they should think about the health of the filipino's, that more hard to cure.
aside form the price increase that this may bring up, it is good that there is a solution to jeepneys that exhaust thick smoke. Pollution affects our health greatly bio-fuels is a good alternative and invetion. This will save the lives of everyone. Hopefully, eevrything that uses fuels will someday be like what is planned to be done to the jeepneys. With this, our country and he rest will be safe places to live in.
Even if one e-jeep will cost a big amount of money, we will greatly benefit from this. Less pollution will result to less sicknesses, etc. And taft ave. won't be as dirty anymore! We will now be as clean as ateneo! :|
Magandang balita ito! Kahit mahal, maganda naman ang serbisyong maibibigay ng E-jeepneys. Gumastos man tayo ng malaki para sa E-jeeps, maliligtas naman ang Inang Kalikasan sapagkat hindi ito bumubuga ng maitim na usok. At biofuels na rin ang nagpapatakbo dito, kung kaya't malaki ang kita ng mga jeepney driver. At makikinabang din tayong mga Lasalyano dito dahil hindi rin maingay pag tumakbo ang mga E-jeeps kaya hindi na magiging ganoon kaingay sa Taft! :D
yes, this is another issue that has to be treated asap. pollution in our country is very bad. finding alternatives and substitutes would help but we should always use these wisely. we should always have check ups and treatments when we get sick since it is really expensive nowadays to get sick.
It's a nice concept but it isn't practical. For that much money, there are better ways to help the environment than to retrofit a single jeep.
Well.. This is good enough for me. I can hardly breathe at EDSA. I always closed the window when I travel since there are a lot of smoke. The pollution in our country is colossal for me because I really don't want to smell smoke and pollution. The jeepney make-over is a must and more people would go out if there were fewer pollution.
Post a Comment