Monday, July 7, 2008

Learn from previous mistakes..!! House began investigating the MV Princess of the Stars tragedy..

Source:
http://www.philstar.com/index.php?Headlines&p=49&type=2&sec=24&aid=20080706107


Tingin ko nabalitaan na nating lahat ang trahediyang nangyari sa MV Princess of the Stars dalawang linggo na ang nakararaan. Isang malagim na trahediya ang naganap, 700 na tao ang namatay sa aksidenteng iyon, at hanggang ngayon, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno at Sulpicio Lines ng mga dahilan sa pagtaob ng malaking barko na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao.

Ayon sa kolumn na binasa ko (click the link above), hindi ito ang unang pagkakataon na naganap ang ganitong aksidente, ang Doña Paz, na siya ring pagmamayari ng Sulpicio Lines, ay lumubog din (o tumaob) na siyang ikinamatay ng higit sa 4,000 na katao.

Lubos na malagim ang mga trahediyang ito. Not good!

Sinisimulan na ng House of Representatives ang pagiimbestiga sa kaganapang ito. Mabuti ang ganito para mapabilis ang paghahanap ng dahilan upang hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari. Sumasangayon ako sa sinabi ni House Speaker Prospero Nograles na “the government must ensure that everyone responsible for the Princess of the Stars tragedy be charged in court for their outright disregard for the safety of the passengers”. Dapat managot ang mga dapat managot. Hindi dapat isinasawalang-bahala ang kaligtasan ng maraming tao. Obligasyon ng Sulpicio Lines na panatiliing ligtas ang mga tao, obligasyon din naman ng PAGASA na ipaalam ang tamang ulat ng panahon (kabilang dito ang pagdating ng bagyo) sa mga barkong maglalayag upang maiwasan ang mga trahediya at aksidente. Dapat magtulong-tulong ang mga sangay ng pamahalaan na panatiliing ligtas sa trahedya ang mga barko. Sa tingin ko ay dapat ng gumawa ng mga batas ang ating pamahalaan ukol sa mga ganitong pag-bibiyahe sa dagat. Sa aking palagay, tulad ng opinyon ni Leandro Mendoza, dapat ng ipatigil ang mga barko kapag nagtaas na ng Signal number 1, maari ngang humina ang kalakalan o negosyo kapag ganito ang ginawa ngunit dapat tandaan na ang kaligtasan ang siyang dapat iprayoridad (priotize).. Mas hihina ang negosyo kung may magaganap na trahediya muli, tulad ng sa Sulpicio, may pesticide palang dala ang barkong iyon dahilan upang hindi makapangisda ang maraming mangigisda… naaapektuhan tuloy ang kanilang kinabuhayan dahilan upang wala silang makain.

Sana nga’y mapabilis ang pagiimbestiga dito sa MV Princess of the Stars, sana rin ay mahanap na ang iba pang nawawalang mga bangkay.. well, we have to hope and pray for the best..

7 comments:

BDTQ said...

Walang lumalabas na artikulo roon sa website kung kaya't ibabase ko lang ang aking opinyon sa post ni janna :). Kung dalawang beses nang tumaob ang mga barkong pagmamay-ari ng Sulpicio Lines, malamang ang problema ay sa paggawa nila ng barko. Sana noong pagkatapos pa lamangy ng unang trahedya ay tinama na nila ang paggawa sa barko, nang sa gayon ay hindi na mauulit ang parehong pangyayari.

SlaSheR said...

Ang napanood ko sa TV ay ang dahilan ng kanilang pagbiyahe kahit na may bagyo ay dahil ang barko na ito ay malaki. Hinde nila naakalain na ganon kalakas ang bagyo. Isa pang dahilan ay ang mga cargo, hinde ito nakalagay ng maayos kaya ito ay nawalan ng balanse kaya'y tumaob.

Lalala. said...

Tama nga naman! Learn from your mistakes nga naman. Mabuti't inaaksyunan nila ito.

zeapfuro said...

kwawa nmn tlga yung mga kamag-anak ng mga nmtayan, hndi p mhukay husto yung barko dhl sa endolsulfan n nakakalason na kemikal.... tsk tsk..

rosie07 said...

What a tragedy! hindi ako nakakapanuod ng balita kaya ngayon ko lang ito nabalitaan. Bakit naman kasi naulit ang ganitong pangyayari, kawawa ang mga tao na walang malay na nakasakay lamang doon. Dapat nung una palang nangyari ang trahedya ay inayos na ng Sulpicio Lines ang kanilang pagseserbisyo. Ito ay pangalawang beses na at dapat managot talaga sila. Maraming tao ang nadadamay at walang kamalay-malay na namatay dahil sa pagkalubog ng barko.

thelittleexplorer said...

sana ay hindi na ito uli maulit sa susunod. dapat ay imbestigahan mabuti kung anu talaga ang nagyari kung bat ito nangyari at pag aralan nila para maiwasan na uli itong trahedya na ganito.

blair said...

It is a fact that Sulpicio Lines should learn from their previous msitakes. They already killed 4000 people before and now they added another 700. They should ban the Sulpicio Lines already! It is too much. The government sohuldn't wait for another 5000 people to die before totally suspending the Sulpicio Lines to do their business.