Monday, July 28, 2008

Ang Paghihiwalay


Nagawa nilang takasan ang mahigit 300 na taon ng pananakop ng mga Kastila, ang 3 dekadang pananahan ng mga Americano at mga ilang taon ng mga Hapon, ngunit ano nga ba talaga ang kahalagahan nito sa Pilipinas? Ang Mindanao. Karamihan sa mga naninirahan sa katimugang bahagi ng Pilipinas ay hindi nahaluan ng mga kultura't tradisyon na dinala ng mga Kastila subalit kapansin-pansin din naman ang pagkakaroon ng pagkakapareho ng mga ugali, paniniwala't kultura nito sa mga karatig bansa tulad ng Indonesia at Malaysia. Nanatiling yumayakap ang bahaging ito kay Allah, sa Kuran at kay Imam, ang pagiging Muslim.


Hindi naman sa tinatagong galit o pagkamunhi sa ating mga kapatid na Muslim, ngunit matagal na rin naman ang gulo sa Mindanao. Isa sa mga dahilan ng mga kaguluhan at rebelyong ito ang nais nilang ihiwalay ang kanilang teritoryo mula sa Republika ng Pilipinas. Umusbong ang ganitong problema noong Kolonyalisasyon ng Amerika at hindi nga mga Kastila, ayon kay Thomás McKenna. Sa aing pananaw, mayroon naman silang sapat na dahilan upang ihain ang problemang ito sa pamahalaan, una, iba ang kultura't tradisyon ng mga Muslim, ikalawa, malayo ito mula sa Sentro o upuan ng pamahalaan at ikatlo, ang Pilipinas ay pre-dominantly Christian.


At hindi naman natin maitatanggi na malaki pa rin ang ginagampanan ng mga Kristyano sa pamahalaan ng Pilipinas, at ang mga Muslim ay parang under-dog lamang dito. Hindi ko nga lang talaga lubos na maisip kung bakit gusto pa ng Pilipinas na angkinin ang lugar sa katimugan nito, masyado nang marami ang napipinsala ng mga gulo dito, hindi rin naman siguro ganoong kalaking revenue ang nakukuha ng pamahalaan dito at ibang-iba nga naman talaga ang mga kultura't paniniwala dito. Kung bitwan man ito ng Pilipinas, eh di oks, wala ka pang sakit ng ulong iintindihin pa. May kalayaan na sila, nakuha na nila ang gusto nila.


Ganun lang naman kasimple ang problemang ito, ngayon, 'yung mga nagnanaais na maisama pa rin mula sa Republika ng Pilipinas ay maari pa rin naman, bibitawan lamang ng pamahalaan ang bahaging nais ihiwalay ang sarili nito. Ngunit, ito ay isang mungkahi lamang. Hindi ako galit sa mga kapatid nating Muslim, subalit hindi ko lang talaga lubos na maisip kung ano ang iniisip nila. Ngayon, ano ang pananaw mo ukol sa problemang ito?

1 comment:

aj said...

May punto ka sa paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, ngunit kung hihiwalay nga ang Mindanao, malaki rin ang mawawalang kikitain ng Pilipinas dito, dahil marami rin silang inaangkat na mga produkto na kung magiging hiwalay sila na bansa e hindi na Pilipinas ang makikinabang, marami ring mga likas yaman ang Mindanao, magagandang lupa, magandang klima, hindi masyadong dinadaanan ng bagyo, kaya maraming produkto silang nagagawa. Kung ito'y hihiwalay sa Pilipinas, sayang naman ang mga produktong sana ay tayo dapat ang makikinabang.