source: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20081117-172755/Longer-voting-hours-eyed-for-2010
Naging mahina ang Comelec nitong mga nagdaang mga buwan sa mga isyung lumalabas. Paano naman kasi, wala pa ang panahon ng eleksyon. Naririnig lamang naman kasi ang departamentong ito kapag panahon na ng eleksyon—dahil sa mga anomalya at mga pangungutya dito. Ngayon, ninanais nila na habaan ang oras ng pagboto para naman mawalan na ng sangkatutak na mga pangungutya tungkol sa mga balota.
Maganda nga naman na pahabain nila ang oras ng pagboto para naman mabigyan din ng pagkakataon ang mga tao sa malalayong lugar na maabutan ng sinasabi nilang automated machines na binabalak nilang dalhin sa mga malalayong lugar isang buwan bago mag-eleksyon. Para sa akin, magiging matiwasay ang mga magiging resulta nito dahil mawawalan ng pagkakataon ang mga nandarayang pulitiko na makapangsuhol sa isang lugar dahil iisa lamang ang araw ng eleksyon. Maiiwasan din ang pandaraya dahil may mga automated machines na gagamitin para hindi na mapalitan ang nakasulat sa balota.
Kaso, kahit na mayroong mga ganitong mga automated machine, mahihirapan pa rin ang gobyerno kung paano nila masusugpo ang pandaraya kung mayroong kilala ang mga pulitikong kumakandidato sa eleksyon sa loob ng Comelec. Matatandaang ang ating Pangulo ang nagsilbing ehemplo nito dahil sa lumabas na “Hello Garci” scandal. Mahirap man itong burahin sa mga mamamayan ng mga Pilipinas, dapat tayo mismo ay maging edukado sa kung paano sugpuin ang mga pandarayang ito. Hindi lamang ang Comelec ang nananatiling responsable sa mga ganitong mga pandaraya, kung hindi tayong mga mamamayan ng bansang ito. Mayroon pa naman tayong dalawang taon para alamin kung sino ang dapat nating isipin na may magagawa sa ating bayan para hindi tayo magpadala sa kanilang mga tv ads habang sila ay nangangampanya.
Monday, November 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
It would be great if the government were able to properly implement the new voting machines, but I doubt that they will do so. . . Which is why I do not vote.
I agree with fioey09, i think that the government will not implement it perhaps they would use the money on some other things.
Di naman mawawala ang pandaraya sa eleksyon. Sana lang naman mabawasan. Sa makabagong makinarya na gagamitin, sana naman maturuan ng maayos kung paano gagamitin ito ng mga mamboboto para naman mahalal ang taong gusto ng taumbayan.
Well, I agree with you there, all of us are interested to know how secured the Comelec voting system this 2010 election? I just wish that it will be fair in the counting of votes. Anyway, I've been looking for interesting topic as this. looking forward for your next post. Keep posting!
-pia-
http://ramonguico.blogspot.com/
Post a Comment