Thursday, August 7, 2008

Tulungan Natin ang Atletang Pinoy!

Hanggang ngayon hindi pa natin nakakamit ang matagal na pinapangarap ng ating bansa; ang gintong medalyo sa Olympics. Marahil sa nalalapit na Beijing Olympics, matutupad na natin ang ating matagal na pinapanggarap. Malaking karangalan ito para sa bayan natin subalit hindi natin ito makukuha ng madali. Makakalaban natin ating mga atletang pinoy ang mga pinakamagagaling sa buong mundo. Sa aking binasa nakasulat na hindi maliit lang ang pag-asa ng ating mga kababayan na manalo ng gintong medalaya. Subalit hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa na makuha ito. May maliit na pag-asa baka masuwert tayo. Hindi ko minamalit ang ating mga atletang Pinoy, may ibubuga naman sila may angking galing. May mga kahahanggang talento subalit sa kasamang palad hindi natin nahahasa ng mabuti. Marahil alam natin na may pabuya sa kung sino makasungkit ng ginto para sa ating bayan. 15 milonyon mukhang malaki ito subalit sapat na ba itong tulong ng ating gobyerno upang masigurado na mailalabas buong potensyal ng ating mga athleta. Hindi dapat pabuya ang ibiga, maglaan na lang sila ng pondo upang gamitin sa pagsasanay ng ating mga athletang pinoy. Ito ang tunay na tulong na dapat natatanggap nila. Sana may makuha tayong medalya at kung wala hindi natin masisi sila....

Philippine Daily Inquirer
Chiz to athletes, officials: learn from Beijing
August 5 2008

5 comments:

Fish said...

Sana magkaroon tayo ng gold. Para lalong makilala ang galing ng pinoy.

Sylphion said...

Yeah! Sana manalo na tayo ng gintong medalya...hahaha

xtine said...

Sana nga ay suportahan pa ng gobyerno ang ating mga atleta sapagkat hindi lamang ito tungkol sa isports kundi karangalan na ng Pilipinas ang pinag-uusapan.

jmak said...

I truly hope that a Filipino may win a Gold medal at this year's Beijing Olympics. It will be a great honor for us Filipinos. It may be hard since we will compete against the world's best...but nothing is impossible, right? So we shouldn't give up and we should cheer for our athletes. They've worked and trained hard for this special event. Their goal is to make us proud. :)

CCL03 said...

Sa aking opinion, ang mga pilipino ay magagaling pagdating sa mga sports. Pero marami ang nagiging hadlang para makamit nang pagkapanalo ang mga atleta sa mga palaro dito sa bansa lalo na sa labas ng bansa. Marahil isa sa mga dahilan ay ang pagkukurap sa pera. Hindi ito masyadong napapansin ngunit ito ay malaking parte sa kung bakit di tayo masyadong matagumpay.