Source : http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=127521
"Motorists who learned to drive through the proverbial school of hard knocks – either under the informal tutelage of a relative or friend or on their own – have a higher chance of getting involved in accidents, according to a study made by the Quezon City Police District’s Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU)."
According to an analysis made by the QCPD-TEU of 132 traffic accidents that occurred in different areas of the city from January to June, 102 of the cases or 77.27% involved drivers who only learned to drive through experience. Only 30 cases, or 22.73% involved people who learned to drive from certified driving schools.
They're saying that this is proof of the effectiveness of driving schools and that if we all learned to drive from these schools there would be less accidents on the road. I don't agree. I think their analysis depends on how many people did and didn't go to driving schools. If the majority of the people on the road today are people who learned to drive by themselves, then its only natural that they're involved in the majority of accidents. It wouldn't necessarily mean that going to driving school makes someone less likely to be involved in an accident.
Thursday, August 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
pra sa akin, mas may matututunan ka pag natuto ka by experience. hndi na rin practical na magenrol sa driving school para lng matuto magdrive. medyo naghihinayang pa ako dhl nasayang ang binayaran ko. basic driving skills lng ung tinuro dun e. la syang classroom lectures or wat... :|
I really don't agree with that, I learned how to drive from my relatives and I still haven't been in any accidents. I don't care how much research is put into this, it's not logical. Just think about it, if you drive smart, and know the traffic signs and stuff, that should be enough for people to avoid accidents as long as they are disciplined and patient.
Experience is still the best teacher. If ever the motorist involves in an accident, then he will learn and find ways of how not to happen that same incident again. This is only a matter of learning from mistakes and creating ways to prevent those mistakes.
(I'm guessing they've said that they are more prone to accidents, partly because driving schools start to lose profit)
Sa walang kamatayang pagdami ng mga sasakyan sa ating bansa, walang kaduda-dudang dumarami rin ang mga nagnanais na matutong magmaneho. Sa Metro Manila pa nga lang, halos kalahati ng populasyon ng mga mag-aaral sa mga pribadong unibersidad ay nagmamay-ari na ng sarili nilang mga sasakyan. Papaano pa kaya kung isasama pa sa bilang ang mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan, hindi ba? Ang tanong sa puntong ito, kung gayon, ay kung papaano nga ba natutong magmaneho ang mga nagmamaneho sa kasalukuyan? Dalawang paraan ang maaaring sagot sa tanong na ito: ang impormal na paraan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga kamag-anak o sino mang kakilalang marunong nang magmaneho at ang pormal na pagtuturo sa pamamagitan ng mga driving schools. Sa orihinal na artikulong pinanggalingan ng balitang ito, ipinapahiwatig na mas “lapitin” o mas nasasangkot sa mga aksidenteng ang mga nagmamanehong hindi pormal na natutong magmaneho, na tila mas mabuti kong lahat ng nagtatangkang matutong magmaneho ay mag-enroll sa mga driving schools. Samakatuwid, itong puntong ito ang pagtutuunan ko ng pansin sa aking kumento.
Ano nga ba ang mabubuting maidulot ng pag-aaral na magmaneho sa ilalim ng pagtuturo ng mga guro sa driving schools? Ang puntong ito ang ipinaliwanag sa orihinal na artikulo. Ayon kay QCPD-TEU chief Superintendent Norberto Babagay, ang pangunahing tagapagsalita sa artikulo, mas malapit sa aksidente ang mga hindi nag-enroll sa driving schools sapagkat hindi nila alam ang mga pangunahing batas trapiko at mga alituntunin sa kalsada na itinuturo sa mga driving schools. Isa pa sa mga nabanggit ng nasabing pulis na mas strikto o mahigpit daw ang mga nagtuturo sa mga driving schools kumpara sa mga kamag-anak na nagtuturo. Samakatuwid, sinasabi ni G. Babagay na mas tinuturuang maging maingat ng mga driving schools ang mga magmamaneho at tila sinasabi rin ng nasabing ginoo na mas mabuti nga talaga kung magpaturo na lang sa mga nagtuturo sa driving schools upang makaiwas sa aksidente.
Ang pangunahing puntong ito ang nais kong salungatin. Hindi ako sumasang-ayon na ang pag-eenroll sa mga driving schools ang solusyon sa mga nangyayaring aksidente sa kalsada. Ilang rason ang ibibigay ko bilang suporta rito. Una sa lahat, nais kong ipaalala na kamakailan lang naman lumitaw ang mga driving schools na ito. Kung tutuusin, natuto magmaneho ang mga lolo at lola ko, pati na rin ang mga magulang ko nang hindi nag-eenroll sa driving schools. At kahit kailan, hindi pa naaksidente ang mga magulang ko at ang mga lolo at lola ko kahit na hindi sila pumasok sa driving schools. Bakit? Dahil mahabang proseso ang kanilang pinagdaanan upang matutong magmaneho. Kinailangan nilang magpaturo sa mga kakilala nila upang magmaneho at inabot ng halos isa o dalawang buwan bago sila tuluyang natuto magmaneho nang mag-isa. Kung ikukumpara ito sa mga driving schools ngayon, mapapnsing napakaikling panahon lang ang inuukol para turuan ang mga nagnanais matuto ng pagmamaneho; ilang driving schools nga ang naglalaan lamang ng limang araw upang matuto ang isang indibidwal na magmaneho. Isang leksyon sa isang araw, kumbaga. Para sa akin, delikado ang ganito. Hindi gaanong naeensayo ang mga estudyante sa mga skills na dapat ay alam na alam na nila kapag nagmamaneho na sila mag-isa. Hindi rin biro ang pagmamaneho sapagkat buhay ang maaaring kapalit sakaling magkaroon man ng aksidente. Kung gayon, kailangan talagang pag-ukulan ng mahabang panahon ang pagtuturo (o pagsasanay) na magmaneho. Para sa akin, delikado ang ginagawa ng mga driving schools sapagkat madaliang pagtuturo sa pagmamaneho ang ginagawa nila. Pinapayagan na nilang magmaneho ang mga estudyante nila kahit hindi pa nila nasisigurong marunong na ang estudyante. Alindsunod dito, nais kong bigyan diin ay ukol sa pagiging mas tutok sa pagtuturo ng mga kamag-anak kaysa sa mga nagtuturo sa driving schools. Para kay G. Babagay, mas strikto o mahigpit sa pagtuturo ang mga nagtuturo sa driving schools. Subalit, kabaligtaran ang nangyayari sa totoong buhay. Bilang isang nagnais ding matutong magmaneho, pumasok ako sa isang driving school at nakita kong hindi naman ganoon kahigpit ang pagtuturo rito. Hindi na ako nagtaka sapagkat wala naman talagang pakialam ang mga nagtuturo sa mga tinuturuan nila. Kailangan lang nila matapos at magampanan ang tungkulin nila (turuan ang estudyante) kaya naman hindi na nila gaanong tinututukan ang pagtuturo sa mga estudyante nila. Nakaranas pa nga ako na tinulugan ako ng nagtuturo sa akin dahil sabi niya dapat daw ay kabisado ko na kung paano magmaneho sa loob ng tatlong araw na nag-aral ako. Natulog man siya talaga o hindi, hindi ko alam. Pero nakalulungkot pa ring isipin na may lakas ang loob ang mga nagtuturong ito na pabayaan ang kanilang mga mag-aaral na magmaneho lamang kahit hindi pa sila sanay.
Walang kaduda-dudang hindi mangyayari ang ganitong sitwasyon kung ang magulang o kamag-anak ang nagtuturo. Naninigaw pa nga ang ilan (lalo na kung ang nana yang nagtuturo sa anak na magmaneho) para lamang mas maging alerto ang tinuturuan niya sa pagmamaneho. Isa pa, walang tigil sa pagpapaalala ang mga magulang lalo na kung sila ang nagtuturo sa kanilang anak na magmaneho. Ang nanay ko, bilang halimbawa, ay walang tigil sa pagtuturo sa akin na dapat mag-ingat sa kalsada kapag ako na ang magmamaneho. Kahit na hindi ako ang may hawak ng manibela at siya ang nagmamaneho, tinuturuan pa rin niya ako ng tungkol sa mga sign boards sa kalsada at sa mga pag-iingat na dapat kong binibigyang pansin. Kahit na dapat ginagawa rin ito sa mga driving schools, karaniwa’y hindi na ito naituturo dahil mas pinag-uukulang pansin ang mismong pagmamaneho.
Maliban pa rito, may ilang driving schools kung saan iba-iba ang nagtuturo sa isang estudyante. Nalilito tuloy ang estudyante dahil, malamang, iba ang pagtuturo ng bawat isa sa mga gurong nagtuturo sa kanya. MInsan pa’y nauulit lamang ang mga itinuturo sa pagmamaneho sapagkat papalit-palit nga ang mga nagtuturo at hindi naman madaling itala ang bawat leksyon sa pagmamanehong itinuturo sa bawat araw.
Isa pa, hindi lahat ng nagnanais na matutong magmaneho ay may sapat na pera upang makapsok sa isang driving school. Sa pagkakaalam ko, mahigit-kumulang sa apat na libong piso ang pinakamababang kailangan upang makapag-aral ng pagmamaneho nang limang araw. Kung makapag-aaral naman ng libre (at nang mas mahabang panahon) sa ilalim ng patnubay ng kamag-anak o ng kakilala, bakit ka pa gagastos, di ba? Hindi naman lahat ay magmamaneho ng kanilang sariling mga sasakyan at hindi lahat ay may pera para pumasok sa mga driving schools. Kung may sarili kang sasakyan siguro’y may pera ka para makapasok sa mga driving schools. Ngunit paano iyong mga nais matuto magmaneho upang gawing paraan ng pamumuhay ang pagmamaneho, hindi ba? Paano iyong mga papasok bilang mga drayber ng bus, trak at dyip?
At panghuli, walang kasiguruhan na kapag pumasok sa driving school ang isang nagnanais magmaneho ay magiging maalam na ito sa mga batas trapiko at sa mga alituntunin sa kalsada. Ilang punto ang nais kong banggitin alinsunod dito. Una, kahit na dapat nagkakaroon ng mga leksyon sa loob ng silid ukol sa mga batas at alituntuning pang kalsada, hindi ito nangyayari sa kasalukuyan. Nabanggit ko kanina na mas binibigyang oras ng mga driving schools ang mismong pagmamaneho (o practical application of driving skills) kaya naman kadalasa’y wala nang mga leksyon ukol sa mga batas trapiko. Kung mayroon man, ginagawa itong opsyonal; sa driving school na pinasukan ko, hindi sapilitan ang pagdalo sa seminar ukol sa mga batas trapiko. Minsan di’y binibigyan na lamang ng mga handout ukol sa mga batas trapiko ang mga estudyante para makatipid sa oras. Ang nangyayari tuloy, natututo nga ang mga estudyanteng magmaneho ngunit hindi sila gaanong maalam pagdating sa mga alituntunin sa kalsada.
Ang ikalawa, at mas mahalagang punto, ay kitang kita tuwing kukuha na ng lisensya ang mga magmamaneho. Hindi na surpresa sa ating lahat na marami sa mga driving schools (certified man o hindi) ang nagpapabayad para “lakarin” ang lisensya ng mga estudyante nito. Ang mga estudyante naman, para hindi na dumaan pa sa madugong proseso, ay nagbabayad na lang. Ano ang masamang naidudulot nito? Una, hindi na nasisiguro kung talagang marunong na nga ba magmaneho ang nasabing indibidwal na kumukuha ng lisensya dahil hindi na niya kailangan dumaan pa sa buong proseso ng pagkuha ng lisensya. Ikalawa, hindi na rin nasisiguro kung alam nga ba ng nasabing estudyante ang mga batas trapiko sapagkat hindi na nito kailangang kumuha ng written exam (na ang pinakalayunin ay sukatin ang kaalaman ng mga kukuha ng lisensya tungkol sa mga batas trapiko). Kung pakuhanin man ng eksamin ang nasabing estudyante, binibigyan ito ng mismong isasagot sa pagsusulit. Hindi tuloy nakapagtatakang maraming nagmamaneho ang naaaksidente dahil sa pagiging ignorante sa mga batas trapiko.
Mula sa lahat nang nabanggit, mahihinuhang hindi nakasalalay sa pagpasok sa mga driving schools ang kaligtasan at pag-iwas sa aksidenteng maaaring magnyari sa kalsada. Kanino, kung gayon, nakasalalay ang kaligtasang ito? Sa mga nagmamaneho mismo. Una sa lahat, nakasalalay sa nagmamaneho ang kaligtasan niya. Siya ang may dala ng sasakyan kaya siya ang responsable at may pananagutan sa kung ano mang mangyayari sa tuwing siya’y nagmamaneho. Isa pa, kung hindi sisiguraduhin ng nagmamaneho na maalam siya sa mga batas trapiko, hindi malayong maaksidente nga siya. Karaniwan naman kasi ng mga aksidenteng nangyayari ay may kinalaman sa pagkaignorante ng ilang nagmamaneho sa mga batas trapiko. Ngunit, ang pinakamahalagang dapat bigyang pansin ng mga nagmamaneho ay ang pag-iingat. Kung magpapadalos-dalos sa kalsada at kung hindi mag-iingat sa pagmamaneho, siguradong maaaksidente nga ang isang nagmamaneho. Marami nang naging aksidente sa kalsada dahil nakainom ang nagmamaneho ng sasakyan. Ang tanong, bakit ka naman magmamaneho kung alam mong nakainom ka? Marami na ring naaksidente dahil masyadong mabilis ang pagpapatakbo sa kotse. Wala namang humahabol sa ‘yo, bakit ka magmamabilis? Hindi nakasalalay sa nagturo sa nagmamaneho ang pagkaligtas nito sa kalsada. Tayo ang responsable sa bawat kilos natin. At kung hindi tayo mag-iingat, sa pagmamaneho halimbawa, wag din tayo magtaka kung maaksidente tayo.
Post a Comment