Wednesday, August 6, 2008

Traffic Rules: Meant to Make Enforcer Richer?

Traffic rules are made to maintain order and discipline in the streets. Although many follow it, others unintentionally - or sometimes intentionally - break it. That's why sanctions and fines were made by law. But now it turns out that these rules are nonsensical because of the corrupt traffic enforcers.

For example, when you commit a traffic violation, the standard operating procedure is for you to be apprehended by a traffic enforcer. Once apprehended, the enforcer must issue a ticket or an "official receipt" stating what violation you have commited. No confiscation of license will and must occur. Once the officer asks for your license and he keeping it is an indication that he wants a "lagay".

This leads us to a conclusion that most, if not all motorists that violate a traffic rule will prefer the "right here, right now" approach. Typical of a Filipino who want things rushed, enforcers seize this opportunity and the latter accepts the bribe money of the motorist.

What's the sense of having traffic rules if the one who enforces it causes the motorist to violate it? Motorists think that it'll be ok to violate the rules because the enforcers can be paid easily; and paying them will be hassle-free. If you got caught by an honest enforcer you are obliged to go to the nearest Land Transportation Office (LTO) and legally pay the fine. The fines for the violations are much higher compared to the “right here, right now” rates.

So what must be the solution to this mess? May I suggest that the existing traffic rules be reviewed and that we do away with those that are not necessary, lower the penalties for each violation (even much lower than the “right here, right now” rates) to encourage motorists to opt for the legal way.

If we want corruption to stop, we must in our own way stop contributing. Corruption in the streets begin with us anyway. Without us giving in to them, don't you think they won't opt out of the "right here, right now" system?

source: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/letterstotheeditor/view/20080806-152896/Useless-traffic-regulations-only-enrich-the-enforcers

14 comments:

kumar said...

Wel, I would agree that some motorists do Intenionally break these traffic rules, but ofcourse for a reason, either they are on a rush or some kind of emergency. And sometimes we really cant do anything, i mean, once we get caught, we wouldnt want to go all the way to their office, and wait in such a long line and all that.,Honestly I would rather bribe him off, but that would depend also, if you know that the amount hes after is way beyond a bribe, then let him issue a ticket, the hell with it. Its just that alot of people who get caught does not want to undergo all the things in order to get back their license.

Gold Crow said...

These traffic enforcers feel that they have so much power when you see them in the streets especially the guys in blue. I usually see these people stopping some vehicles on busy intersections before noon, I sometimes think "baka nagugutom na sila at kailangan na ng pang merienda" which may be true in some cases but I still believe that there are loyal traffic enforcers who let violators off with a warning. The system probably needs a revamp or people should just start obeying traffic rules more.

amiel111 said...

Traffic Enforcers should implement the law. Asking for bribe is just not right. Traffic enforcers should be good examples to the people. Asking for bribes make other people think that our constitution can be changed by money.

Z said...

we occasionally say that bribing is bad. but if ever we were in that position, i believe that we'd also bribe them to escape tickets and further nuisances of going to LTO to get your license back and pay the fine.

kumar said...

well these inforcers dont really ask for the bribes, although they give signals, indirectly.
But what to do, sometimes they are also helpless, and its a plus for them to make money when bribery comes in.
Its a big fuss going to their office, listening to their seminars, and paying a fine on top of that all, Also having a permanent record of violating rules under your name .

toink said...

this situation is also sad. people really tend to worship money in anyway. it shows that cops can easily give in to cash and thats why the road rules are disobeyed, and crashes and accidents tend to happen because of such small acts of greed.

Dragon said...

If i been caught because of disobeying traffic rule, I would just bribe the enforcer rather than to give him the license and get it back from the LTO.

FRANZ LIM said...

suhol suhol suhol. lahat nalang dinadaan sa suhol. hndi tlga uunlad ang bansa kung may mga taong ganyan. disiplina ang kailangan!

O~* bomb ako. said...

Boo, kotong cops. I remember, my pamangkin once told me he wanted to be a traffic enforcer. So he can dance on the street, issue tickets, ride the 'cool bike' and to enforce justice on the streets. I just laughed and told him that here in the Philippines, wala nang nagtatrabaho ng ganun. hahaha.

smokie1 said...

even without this enforcers are already taking advantage of the motorist but. It as if it ahs become seciond nature to the motorist

blogger said...

I agree to what you said about these traffic enforcers. There are a lot of them who will just tell you you have a violation so that they will be able to get money from you even though you do not have such violation.

Corruption is another reason why this country never progresses. How can you expect this country to progress if the rulers of this country itself cannot discipline their own? It's really sad we have such rulers.

watermelon said...

the problem of the kotong system in Philippines is so deeply rooted that we can trace it from the Filipino values. I agree with you that if we want this system be stopped, it should start from us. We should not deliberately violate rules so we would not be tempted to bribe.

mouse said...

Doesnt the government pay these traffic officers accordingly to how much they really need?

Because if they do, i think none of this corruption will be happening. Traffic officers would stay loyal to their jobs.

Its human nature already. If someone is contented and is happy with what he has in his job, he doesnt have to do anything bad anymore just to get much more from what he is getting in his job.

ilovemickey said...

Makati City – ito na marahil ang pinaka, o kung di man ay isa, sa mga pinakamahigpit na lungsod pagdating sa pagsuway sa batas, lalo na sa batas trapiko. Sa color coding scheme pa lang, kitang kita na ang higpit ng lungsod na ito – hindi pinapayagan sa lungsod na ito ang tinatawag na “window” o ang oras kung saan maaari pa ring maglakbay sa kalsada ang mga sasakyang may plakang “coding” sa araw na iyon. Maliban dito, isang pasada lang sa lungsod ng Makati ay magpapatunay na kung gaano kahigpit ang mga pulis sa lungsod na ito sa mga batas trapiko: walang katapusan ang mga sign boards na nagpapaalalang bawal tumawid, bawal kumanan, bawal pumarada, at kung ano-ano pa. At isang maling galaw lang, kumanan sa bawal kananan, halimbawa, siguradong paparahin ka na ng isang “blue boy” kung tawagin at huhulihin ka na. Tila walang nakalulusot, hindi ba? Pero hindi pa rin.

Sabado noon. Nagmamadali ang tatay ko sapagkat mahuhuli na sa klase ang kapatid ko. Dahil hindi niya masyadong kabisado ang lungsod ng Makati, nagpapatulong siya sa aming maghanap ng mga legal na likuan. Kami naman, hindi na magkamayaw sa kakahanap ng mga “bawal kumanan” o “bawal kumaliwa” para naman hindi kami mahuli ng “blue boys”. Sa isang kanto, kumanan ang tatay ko. Hindi pa kami nakalalayo, pinara na kami agad ng isang pulis at pinatabi sa kalsada ang aming sasakyan. Patay. Bawal pala kimanan. Para hindi mapalala ang mga bagay-bagay, hindi tinakasan ng tatay ko ang pulis. Ang kagulat-gulat? Hindi binigyan ng tiket ang tatay ko. Sa halip, inabutan siya ng pulis ng isang lalagyan na kahawig ng lalagyan ng tatay ko ng lisensya. Nang buksan ng tatay ko, wala itong laman. Wala nang tanong-tanong pa. Tatlong daang piso ang isinilid ng tatay ko sa loob. “Sa susunod po, sir, tignan niyo muna ang mga sign boards, ha?” Iyon ang huling sinabi ng pulis. At umalis na kami.

Nakatutulala ang pangyayaring iyon. Hindi ko inakalang sa isang lungsod na tinuturing bilang isa sa mga pinakamahigpit pagdating sa pagpapatupad ng batas trapiko ay laganap pa rin ang mga pulis na tumatanggap ng bayad. Hindi ko sasalungatin ang mga sinabi ng mga una nang nagkumento. Sa kumento kong ito, bibigyang pansin ko ang dalawang sangkap sa sitwasyong nabanggit ko sa itaas: ang pulis at ang taong nahuli dahil lumabag siya sa batas trapiko.

Intensyonal man o hindi ang paglabag ng isang tao sa batas trapiko, marapat lamang na hulihin ito. Alam naman ng lahat na sa oras na mangyari ito, kumpiskado ang lisensya o kaya nama’y bibigyan siya ng tiket na dapat niyang bayaran sa LTO. Ngunit, bakit kumbinsido ang karamihan sa mga nahuhuli na ang pagbibigay ng suhol ang solusyon sa pagkahuli? Ilang rason ang nakikita ko bilang tugon sa tanong na ito. Una, higit na mas malaki ang kailangang bayaran kung sa LTO pa babayaran ang nasabing tiket. Kung ikukumpara nga naman sa paglalagay ng suhol, higit sa kalahati ang matitipid; 300 piso lamang, tapos na ang argumento. Ikalawa, sayang sa oras kung sa LTO pa pupunta upang aregluhin ang sitwasyon. Sa pagkakaalam ko, at ayon sa tatay ko, sa LTO kung saan ka nahuli kailangang pumunta upang makuha muli ang lisensya mo. Kung sa malayo ka nga naman nakatira at minsanan ka lang dumaan sa lugar kung saan ka nahuli, nakakahinayang nga naman kung pupunta ka pa sa napakalayong lugar para lamang makuha muli ang lisensya mo.

Sa panig naman ng mga pulis, maraming rason kung bakit tumatanggap sila ng suhol. Una sa lahat, gusto kong sumang-ayon sa sinabi ni “mouse”. Marahil, maliit ang sweldo ng mga pulis na ito at sa pagtanggap lamang nila ng suhol mababawi ang kulang sa sweldo nila. Sa liit ba naman ng sweldong kanilang natatanggap sa kabila ng inaraw-araw nbilang pagbabantay sa kalsada sa ilalim ng matinding sikat ng araw, sino ang hindi matutuksong tanggapin ang karagdagang “kita” ika nga? Tutal, wala namang makaaalam, wala namang makakikita sa gagawin nila. Lalo na’t walang humpay ang pagtaas ng presyo ng bilihin ngayon, sino ba naman ang tatanggi sa halagang maaaring idagdag sa pang-araw-araw na panggastos, hindi ba?

Isa pa sa maaaring rason kung bakit tumatanggap ng suhol ang mga pulis ay ang kakulangan sa benepisyo na ibinibigay sa kanila. Hindi biro maging pulis. At tulad ng sinabi ko kanina, hindi biro ang tumayo sa ilalim ng sikat ng araw araw-araw para lamang maghintay sa kung sinong maaaring huluhin. Dahil sa madalas na nakabilad sa araw ang mga ito, madali silang magkasakit. Ni wala nga siguro silang dalang sapat na pera para makakain man lang ng tanghalian. Sa nakikita ko, tumatanggap lang ang mga pulis na ito ng suhol upang masigurong makakain sila at wag magkasakit o kaya nama’y kung sakaling magkasakit sila’y may pantustustos sila.

Ang pang huli kong nakikitang rason ay ang kakulangan sa pagsasanay at sa pagpapaalala sa mga pulis na ito. Marahil, hindi puspusan ang pagpapaalala sa mga pulis na responsibilidad nilang panatiliing maayos at walang katiwaliang nagaganap sa paligid. Maliban dito, maaari ring hindi binibigyan ng sapat na oras ng gobyerno ang pag-double check kung may mga pulis bang nasasangkot sa mga katiwalian tulad ng pagtanggap ng suhol. Dahil hindi napaparusahan ang mga pulis na nahuli nang gumawa ng katiwalian, hindi pa rin natatakot ang ibang gumagawa rin ng katiwalian. Ang mas malala pa, maaaring nakikita ng mga pulis na ito na ultimo ang mga nakatataas sa kanila’y tumatanggap din ng suhol. Hindi na marahil makita ng mga pulis na may mas mabababang ranggo bilang magandang halimbawa ang mga mas nakatataas sa kanila kaya naman ginagaya na lang nila ang mga katiwaliang ginagawa ng mga ito. Hindi na rin, marahil, makitaan ng mga pulis ng saysay ang pagiging tapat at totoo sa kanilang tungkulin.

Kung titignang mabuti ang mga nabanggit sa itaas, madaling sabihin na justified ang pangongotong. Subalit, dapat tandaan na ang pagsunod sa batas ay isa sa mga responsibilidad ng bawat mamamayang Pilipino sa kanyang bansa at ang pagpapatupad naman ng batas ay isang responsibilad ng mg amiyembro ng pulisya. Kung gayon, kahit ano man ang rason, hindi kalian man magiging mabuti ang pangongotong at panunuhol. Malungkot mang isipin, tila hindi na masusugpo ang problemang ito ng bansa. Sa puntong ito, maglalahad ako ng ilang posibleng gawin upang mabawasan ang laganap na problemang ito.

Unang dapat isaisip na ang pagsugpo sa pangongotong ay dapat magmula, hindi lamang sa mga pulis, kundi pati na rin sa mga mamamayan. Dapat magkaroon ng tulungan sa parehong panig sapagkat kung mananatiling lumalabag sa batas ang isang mamamayan o kaya nama’y manatiling tumatanggap ng suhol ang isang pulis ay hindi masosolusyonan ang problemang ito. PAgsisikap, disiplina at pagtutulungan ang tanging sagot sa problemang ito. Sa panig ng mga mamamayan, dapat magsikap tayong sumunod sa batas. Dapat mag-ingat tayo at maging mulat tayo sa mga batas, lalo na sa mga batas trapiko, upang maiwasan ang panghuhuli sa atin ng mga pulis. Kung mag-iingat lamang tayo at magiging mulat sa mga batas, hindi magkakaroon ng oportunidad upang mangotong ang mga pulis. Sa panig naman ng mga pulis, dapat matutunan nilang mahalin at maging tapat sa kanilang trabaho bilang mg atagapagpatupad ng batas sa ating bansa. Hindi dapat sila ang manukso sa ating mga mamamayan na magbigay ng suhol. Kung may mahuli man silang lumabag sa batas, dapat maging tapat sila sa kanilang tungkulin at bigyan ng karampatang parusa (bigyan ng tiket) ang lumabag na ito para matuto mula sa paglabag na ginawa niya. Kung hindi hahayaan ng mga pulis na magbigay ng suhol ang mga lumalabag sa batas, mababawasan ang problemang ito.

Subalit, hindi lamang doon natatapos ang problema. Marapat lang din na mag-ukol ang gobyerno ng oras upang masugpo ang problemang ito. Isa sa mga dapat ipatupad ng gobyerno ay ang nasimulan nang proyekto ng paglalagay ng mga hidden cameras sa mga kalsada upang matutukang mabuti ang mga lumalabag sa batas, mapa mamamayan man o pulis. Totoo, malaking pera ang kailangan gamitin para maipatupad ang proyektong ito. Ngunit, hindi naman kailangan sa buong PIlipinas agad ipatupad ang nasabing sistema. Maaaring simulan muna sa Maynila (o kung saan talamak ang problema ng pangongotong) at pagkatapos tsaka na ipatupad sa iba pang lugar. Magiging mahalaga ang sistemang ito sapagkat hindi lamang ang mga lumalabag na mamamayan ang matuturuan ng leksyon – pati rin mga pulis na lumalabag sa kanilang tungkulin ay siguradong matututo mula rito. Ang mga batas ay nariyan para mapanatiling maayos ang isang bansa. At kung hindi ito susundin, unti-unting mawawasak ang bansa.
Ang pagsugpo sa pambansang problema ay malulutas lamang kung kikilos tayo bilang isang bansa. Totoo, nakasalalay sa bawat indibidwal ang tagumpay ng pagsugpo sa isang problema. Ngunit, kung sarili lamang ang iisipina at kung hindi magtutulung-tulungan ang mga miyembro ng isang bansa sa pagsugpo sa nasabing problemang ito, walang mangyayari.