Tuesday, August 5, 2008

Filipinos want next president to curb prices and enforce the law—Pulse Asia

http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=127365

Ayon sa Pulse Asia, 39% ng mga responde ang mas gusto na maging "
pro-poor" ang susunod na presidente ng Pilipinas. Samantala, ang popularidad ay 1% lamang at ito ang pinakamababa ayon sa naging resulta. Nangangahulugan lang na ang mga Pilipino ay naghahanap ng isang lider na may pakialam sa pangangailangan ng nakararami, at ito nga ang mahihirap. Ang sumunod na nakakuha ng pinakamataas na porsyento ay kinakailangan na ang magiging pangulo ng bansa ay makapagpapatupad ng patakaran sa parehong may puwesto sa lipunan at mga ordinaryong Pilipino. Nararapat na bigyang pansin ng susunod na pangulo ang mga problema tulad ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa.


Ayon sa datos ng National Statistical Coordination Board lumalabas na mula 2003-2006 ay mayroong 4.7 milyon na pamilya o 27.6 milyon na mga Pilipino ay mahihirap. Hindi agad-agad na mabibigyang solusyon ang mga problema ng Pilipinas pero umaasa pa rin ang mga Pilipino ng kahit pakonti konting pag asenso sa tulong ng parehong pamahalaan at mamamayan nito.

5 comments:

janna :) said...

Tingin ko ay importante talaga na matugunan ng susunod na pangulo ang pangangailangan ng marami, at tulad nga ng nakasulat sa iyong blog, ito nga ay ang mahihirap. Alam nating lahat na kahirapan ang pangunahing problema ng ating bansa, kahit saan ka man tumingin ay may makikita kang bakas ng kahirapan.. Kung ating susuriin, hindi naging maganda ang ating karanasan sa mga nakalipas na presidente ng ating bansa, ito na rin siguro ang dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay nag-aasam ng isang pangulong tutugon ng ating mga pangangailangan..

Sa mga nangyayari ngayon, hindi talaga madaling solusyonan ang mga problema ng ating bansa.. Kailangan natin ng presidente na siya talagang kumikilos, hindi puro salita o pangako lamang.. Kailangan natin ng presidenteng tunay na makakatupad sa kanyang mga pinangako.. hindi yung mga gumagawa lang ng cover-ups para ipakita sa tao na siya'y magaling..

antonishere said...

only problem is, who will we vote for? it seems that no matter who we vote,we still get the same results..nothing is improving and everyone seems to turn corrupt once they assume position.

Z said...

haha.. that's really how government officials win, don't they? they reach out to the poor and make it sound like they really really REALLY care about them but in reality, most of them just go and steal the taxes of people and put them inside their own pockets.

pcnoxs said...

That is a big problem! All Filipinos are easy to be frauded at. We tend to forget the history of our government officials. For me, anyone who is corrupt should have a death sentence. Most people who are running the government are not really qualified for the job. If you are popular, you will get more votes. That's just sad for our country.

smokie1 said...

is not that easy to curb prices becasue if the goverment take the load for the people there would be no money left for development