http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=127456
Dahil sa itinaas ng inflation rate, nakapagdulot nanaman ito ng kahirapan sa ating bansa. Ayon sa Pulse Asia, halos 66% ng mga pamilyang Pilipino mula Hulyo 1-14 ay kakaunti na lamang ang ginagastos para sa pag-kain o di kaya kakaunti na lang ang kinakain dahil kulang o wala silang pera pambili. Napakita mula sa resulta ng Pulse Asia na karamihan sa apektado nito ay ang mga pamilya sa labas ng Metro Manila, partikular na ang mga pamilyang nasa Mindanao ang ang sakop ng socioeconomic classes D at E. Napakita rin dito na hindi lang sa pagkonsumo sa pagkain ang nabawasan, pati na rin sa konsumo ng kuryente, tubig, transportasyon at gamot. Ultimo ang pagkonsumo sa pang load sa cellphone ay nabawasan din.
Ang ibang pamilya ay naghanap na nang ibang paraan para magkapera. Ang iba ay nangungutang at naghahanap ng isa pang trabaho. Pati ang mga perang inipon at nakatabi para sa panghinaharap na pangangailangan ay sinimulan nang gamitin para lang matustusan ang pangaraw-araw na gastusin tulad ng pagkain, kuryente, tubig, at iba pa. At kung wala na talagang makukunan ng pera, isa o dalawa sa pamilya ay nagtitiis ng isang araw na walang pagkaing kakainin.
Sana ay may magawang solusyon ang ating gobyerno sa lumalalang problema sa ating lipunan.

2 comments:
Sa mga krisis na dinadanas ngayon ng ating bansa, tingin ko ay pagtitipid na ang pinakamabisang paraan upang solusyonan ang ating problema.. Patuloy na nagmamahal ang mga bilihin kaya dapat lamang ay bawasan natin ang ating pag gastos.. Ngunit nakakalungkot isipin na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, marami tuloy mga pamilya ang nagugutom.. Imbes na ang sobra sa sweldo ay ipambili pa ng iba nilang pangangailangan, nilalaan na nila ito sa kanilang pagkain, at ngayon, maaring ang kanilang sweldo ay hindi pa sapat upang makaraos sa araw..
Sana nga ay mabigyang solusyon ng ating gobyerno ang malaking krisis na ito na hinaharap ng ating bansa.
Inflation rate has been increasing tragically non-stop this year and so far, it has increased more than ever before. With this pace, it's more likely that it will still increase more in the near future. If people are already in this kind of state now, what more will happen to them when inflation is even higher than now? Will they go to the point where they won't eat for weeks? If that happens, people will get weaker and will have even less chance to rise from poverty.
Budgeting, canvassing for cheaper things, being thrifty and being satisfied with only a little things are a few ways to get through these difficult times. Lastly of course, we should always pray and hope for the betterment of our situation.
Post a Comment