source: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=125723
Sunday, July 20, 2008
behind the M/V Princess of the Stars...
Habang dinumog ng reklamo at ng mga tao ang Sulpicio Lines dahil sa paglubog ng M/V Princess of the Stars, meron pang isang barko, ang M/V Ocean Papa ang lumubog sa kasagsagan ng bagyong Frank. Mas marami nga naman ang nasawi doon sa M/V Princess of the Stars kaya medyo mas pinagtutuunan ng pansin ngunit, gaya rin ng M/V Princess of the Stars na merong kargametong Endosulfan, meron din itong kargametong kemikal na nakakalason na kung tawagin ay toluene diisocyanate na nakakasama sa tao at sa mga isda sa dagat. Dahil ang barkong Ocean Papa ay isang open cargo vessel, ang mga bariles ng toluene diisocyanate ay hindi naiwan sa loob ng barko kundi nalaglag ito sa ilalim ng karagatan. Sa daming bariles na nakuha ng autoridad, wala pa niisang bariles na naglalaman ng toluene diisocyanate ang natatagpuan. At gaya din sa Romblon, ang kabuhayan sa Antique ay naaapektuhan rin dahil takot nang mangisda ang mga mangingisda dahil sa nakakalasong kemikal na ito at ang mga isda ay maaaring naapektuhan narin ng mga kemikal na ito. Dahil puspusan ang pagsagawa ng retrival operations sa M/V Princess of the Stars, wala gaanong nailalaan na operasyon para mas lalong mapabilis ang pagkakuha nitong mga nakakalasong kemikal. Sana ay sa lalong madaling panahon ay matugunan na itong problemang ito dahil marami ring tao ang naaapektuhan sa trahedyang nangyare sa Antique.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
hindi ko alam na meron pa palang isa pang nangyari dahil sa bagyong frank, nakakatakot isipin na ang dagat natin ay merong kemikal na nkalubog dito.
grabe! di ko rin alam na may isa pa palang barkong lumubog dahil sa bagyong Frank.. tingin ko ay hindi rin ata ito ibinabalita sa tv..
masyado ng marami ang mga nangyayari dito sa ating bansa.. at ang mga kaganapang ito ay sunod-sunod na nangyayari dahilan upang ang mga epekto ay maging sunod-sunod din.. nakakalungkot dahil marami ang mga nadadamay.. marami na ngang namatayan, marami pa din ang unti-unting nawawalan ng kabuhayan..
sana lang ay magawan ito agad ng paraan ng ating gobyerno..
Sana naman alagaan natin ang kalikasan natin!! Agad agad dapat itong aksyonan ng ating gobyerno. At para naman sa mga may ari ng barkong lumubog, dapat i-double check nila kung ligtas talaga ang mga barko nila.
Kawawa talaga ang mga namatay at namatayan. May God bless their souls.
sana naman yung aksyon na ginawa nila sa MV princess of the stars ay ginawa din nila dito sa barkong ito.
No one really knew about the other boat that sunk. I didn't see it on TV!
The government sohuld act on this probelm ASAP because our environment is being harmed. And the owner of the boats whould be responsible enough to not let their boat leave when there is a typhoon. They should also check if they're boat is still fixed or not. People died because of the idleness of these companies.
Post a Comment