Monday, June 23, 2008

// TAKING ADVANTAGE

Source: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view_article.php?article_id=144288

Iba talaga ang PINOY. Naghihirap na nga halos yung buong bansa dahil sa bagyo, ang iba wala pa ring magawa kundi gumawa ng krimen. Hindi ba sila nanghihinayang sa mga ginagawa nila? Sana naman makonsensiya sila dahil kung nagnanakaw sila dahil sa kahirapan, ay hindi yun resonableng rason kasi hindi lang naman sila ang naghihrap dito sa bansa.

Kung totoo nga ang sinasabi ng mga nakakita na government car pa daw ang ginamit ng mga magnanakaw ay talagang "hahangaan" mo ang gumawa nitong kalokohang ito.

Mahirap sigurong isipin na ganito na ba talagang kahirap tumira sa Pilipinas? Na dadating ka na sa puntong magnanakaw ka para mabuhay? Marahil hindi natin masosolusyunan kaagad ang kahirapan dito sa atin, pero kung tayo'y magkakaisa, walang imposibleng mangyari.

3 comments:

Bitterblossom said...

Pati ba naman sa gitna ng bagyo, gagawa pa ng kalokohan ang mga ito? Grabe naman. Wala ba silang pag-asa sa buhay at sa pagnanakaw lang sila nabubuhay?

Pwede naman maghanap nang trabaho. Kahit konti lang ang kinikita mo, tama naman yung ginagawa mo.

Paano pag nahuli ka ng pulis, diba? Paano na yung pamilya mo? Yung pinaghirapan mo? Itatapon mo na lang ba ito?

Sana naman magbago sila. Dahil nga sa mga ganito tayo naghihirap.

BDTQ said...

Dati, noong sumakay ako ng jeep, may nakita akong tindero ng mangga at natumba ng isang kotse ang kanyang karitong naglalaman ng kanyang mga produkto. Nakita kong maraming lumapit sa kanya at tumulong sa pagpupulot at pagbabalik ng mga mangga niya sa kariton. Ngunit may nasaksi rin akong isang taong lumapit doon, pumulot ng ilang mangga, at umalis nang parang wala man lamang nangyari. Hindi ako nagbibiro na may nangyari talagang ganito.

Sa pangyayaring ito, ang tindero ay napagsamantalahan ng taong umalis na may dalang mangga. Nabiktima na nga siya ng kotse nang hindi sinasadya, nabiktima pa siya ng kapwa Pilipinong walang awa.

Kaya ko ito ibinahagi, ay dahil gusto kong sabihing napakamakasarili na ng ilan ngayon na pati sa maliliit at pangkaraniwang bagay, ay nagagawan na nila ng masama. Ngunit sa tingin ko'y hindi aabot ang Pilipinas sa puntong mahihigitan ng mga masasamang tao ang mga mabubuti. Sa akin ngang nakita, marami-rami ang tumulong doon sa tindero at isa lamang ang gumawa ng masama. Naniniwala akong isa itong pahiwatig na hindi pababayaan ng Diyos ang mga mabubuti. Kung kaya't umaasa ako sa Kanya na magbabago talaga ang mga masasama at hindi sila dadami nang todo.

Pilosopo Tasyo said...

Maraming problema ang Pilipinas na dapat tugunan. Ang mga ito'y hindi malulutas nang mabilisan. Tama tayo kung sasabihin natin na ang iba sa ating kapwa Pilipino'y gumagawa ng krimen para lamang mabuhay. Ngunit sa kabilang dako, hindi natin mapipilitang magbago ang mga maliliit na kriminal kung ang mga lider o pinuno ng ating bansa ang siyang gumagawa ng mga kabalastugan at karumal-dumal na mga krimen tulad ng pandaraya sa eleksyon, paggamit ng pera ng bayan para sa sariling kapakanan at ang pagpapapatay sa mga taong may lakas ng loob na isuwalat ang katotohanan.

Kung hindi magbabago ang pinuno, hindi magbabago ang mga pinamumunuhan nito. Dapat natin gawin ang TAMA at hindi ang ginagawa ng masnakakarami.