Tuesday, June 10, 2008

SHOOT TO KILL

Siguro naman narinig nyo na yung RCBC massacre sa Laguna about last week. Kung nakapanood kayo ng news or nakapagbasa kayo ng dyaryo, malalaman niyo na heto na daw yata ang pinaka-grabeng bank robbery sa Pilipinas; "bloodiest bank robbery", sabi nga nila. Kung titingnan mo nga naman ang nangyari, lahat nung sampung tao na nasa loob nung bangko nung mga oras na iyon, ay binaril sa ulo, pagkatapos daw ay umalis na ang mga magnanakaw dala-dala ang mga nanakaw nilang pera na nagkakahalaga ng mahigit Php 9 million to Php 12 million cash; kung tutuusin, Php 1 million bawat taong pinatay.
Para sa akin, dapat lang na ikulong ng habang-buhay ang mga kasangkot sa massacre na ito. Walang silang awa sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila. Ganito na ba talaga kahirap ang buhay dito sa Pilipinas? Bakit pa nila kailangang pumatay ng mga tao, kung ang habol naman talaga nila ay pera? Bakit hindi na lang nila kinuha yung pera, pagkatapos ay umalis na lamang sila o magtago sila?
Sana ay wala ng ganitong krimen pa ang mangyari dito sa atin. Ipagdasal na lamang natin na sana ay maresolbahan ang krimeng ito sa pinakamablis na panahon.

13 comments:

xminax said...

i just don't get it why people use this cruel way to get their wants. Bakit kaya hindi na lang sila maghanapbuhay ng maaus. Maliit man ang kita atleast tama ung paraan nila.

Tapos sa robbery na un,pumatay na sila, may pera pa na nakuha. Unfair nila.

Meron pa bang death penalty? diba wala na? o meron pa? hmm. kung wla na. dpat ibalik kasi muhkang hindi na natakot ung mga tao. haii. anyway. buhay nga naman.

GreenAdict038 said...

Even if death penalty still exist here in Philippines, I don't approve this kind of punishment to them because for me killing them will be a fast and less painful punishment. Throwing them in jail for the rest of their life is a more appropriate punishment for them because for me, spending the rest of your life in prison is a much more scarier punishment. Can you just imagine yourself being in prison for the rest of your life? I'll rather kill myself than to spend my life in prison. Not to mention that you will also be facing other convicts there that can hurt you and do stuff with you, if you know what i mean.

Fish said...

Eh ayon sa mga narinig ko eh may nakakilala daw sa mga nang-holdap. Sino nga namang holdaper na humoldap ng sandamakmak na pera ang gustong makilala siya ng taumbayan? Edi ano ginawa? Pinahilire isa-isa ang mga tao sa loob tapos pinagbababaril sa ulo. Napakalupit. Di nyo rin naman kasi maiiwasan yung ganyan at maraming masasamang-loob ang gumagala -gala lang diyan sa tabi-tabi. Saka isa sa mga dahilan para gawin ng mga salarin yung krimen na yun eh dahil sa kahirapan. Pambihira kasi pinag-aaral ng magulang ano ginawa? Ayan tuloy. May nadamay pa. Pero para sa akin ayos lang na wala nang death-penalty kasi lahat ng tao dapat husgahan sa tamang paraan. Lahat naman ng tao may karapatang mabuhay diba? Eh kaya nga lang, pumatay sila.

Bitterblossom said...

Etong mga holdupper na ito, wala nang pag-asa. Nahihirapan sila maghanap-buhay kaya sa pagnanakaw na lang sila kumikita.

Kahit bigyan mo sila ng trabaho, ang kita nila sa pagnanakaw sa bangko ng isang araw ay mas malaki pa sa kikitain nila sa trabaho sa isang taon. Kaya nila ginawa ang krimen na ito.

Talaga bang wala nang pag-asa ang Pilipinas? Sa pagnanakaw na lang ba tayo kikita?

rosie07 said...

Yeah I heard of it. The holdappers were so harsh in killing! They shoot them exactly in the heads and they have no pity over the victims. Why kill and steal showing their immorality while they can just work hard and earn for their living! We can see that Filipinos are somewhat lazy in working hard to live, they dont want to work and want only to have instant money. They should be punished when found!

janna :) said...

Honestly, hindi talaga ako aware sa news na yan, narinig ko lang na may bank robbery na naganap pero hindi ko alam na marami palang napatay..

Sa pangyayaring naganap, dito mo talaga makikita kung gano kahirap ang buhay dito sa Pilipinas at kung gano rin kadesperado ang mga Pinoy na makakuha ng pera kahit idaan pa nila ito sa marahas na paraan.

Nakalulungkot isipin na may mga taong napatay ng dahil lamang sa pera. Tulad ng iyong sinulat, sana nga'y tinangay na lang nila ang pera at hindi na dinamay ang mga taong walang atraso sa kanila.

Sana ay mahuli agad sila para sila'y mapatawan ng nararapat na parusa sa kanila at upang magkaroon ng hustisya sa mga nadamay.

candygum said...

Ang saklap naman ng pangyayaring ito. May mga suspect na ba? Kung wala pa, mahihirapan talaga silang maghanap dahil walng security camera na pwedeng tumulong sa kanila.

Lahat ng mga bangko ngayon, dapat maglagay na ng mga camera para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.

Meron akong nadaanan na bangko sa may Leon Guinto, BPI ata. Hindi sila katulad ng ibang mga bangko na sobrang sarado. Kitang-kita ng mga taong nasa labas ang mga nanyayari sa loob. Dapat ganito na lang ang gawin sa lahat ng bangko para makikita agad kung may masamang nangyayari sa loob.

DonTibo said...

Pinatay lang nila para hindi sila makilala.. Pede naman nila hayaan na lang... Kasi naman may pamilya rin mga yun eh... Edi binigyan din nila ng problema ung mga namatayan ng pamilya diba? Pasa-pasa lang ng problema!! Ganito na ba ang mga tao? Makasarili at walang pakielam sa iba?!?

Anonymous said...

super sad. Sana tamaan ng lintik na karma ung mga gumawa. haha! but seriously, the people who did this probably didn't have parents that should have raised them up well. they have no conscience. :|

Kye Sy said...

sa situation n toh makikita mo talaga kung ano ang kakayahan ng mga tao para lang sa pera...

xtine said...

Those people do not have contentment in their lives. They were able to get easy money but still had the guts to kill people that has nothing to do with them! I can't imagine how they are able to live after they have killed innocent people. I hope they would be imprisoned soon. Well, God is watching them and He would definitely not let them get away with it.

martin p. said...

I believe that crimes such as this will continue to happen because of the increasing prices. I just wished that the people who commit the crimes don't kill their victims. The things that have happened in this bank robbery are no longer done because of the hardships of life. Killing defenseless people is just a crime done by inhumane people.

ilovemickey said...

Ilang buwan man ang nakaraan nang ibalita ang karumaldumal na krimeng ito, hindi ko maipagkakailang hanggang ngayo’y kinikilabutan pa rin ako tuwing naaalala ko ang balitang ito. Totoo, walang taong may puso ang hindi malulugmok at maaawa sa mga biktima at sa mga pamilya nila – walang kaduda-dudang walang awang pinagpapatay ang mga taong nasa loob ng RCBC. Kitang kita lalo na sa pamamaraan ng pagkakapatay sa mga biktima na hindi sila trinatong parang tao ng mga pumatay sa kanila. Ngunit, mas nakalulungkot isipin na tila binigyan ng napakaliit na monetary value ang buhay ng bawat isang biktima, humigit-kumulang tig-iisang milyong piso lamang ang halaga ng buhay ng bawat isa. Kung tutuusin, wala naman talagang sapat na halaga ng pera ang maaaring ibigay sa buhay ng isang tao. Subalit, sa pagkakataong ito, kinailangan magsugal ng sampung buhay nang dahil lamang sa matinding pangangailangan ng pera ng mga pumatay sa mga biktima.

Sa puntong ito, nais kong sagutin ang mga tanong na isinulat ng awtor ng kumentong ito. Sa tanong niyang, Ganito na ba talaga kahirap ang buhay dito sa Pilipinas? , isang napakalutong na “OO” ang sagot ko. Malungkot mang isipin, tila napakarami na atang naghihirap dito sa ating bansa. Mapaptunayan ito ng isang pasada sakay ng isang jeepney sa Maynila: kahit saan ka tumingin, tila nagkalat sa mga kalsada ang napakaraming pamilya ginawa nang tahanan ang mga bangketa at gilid ng kalsada. Para palalain pa ang napakahirap na pamumuhay dito sa Pilipinas, walang kamatayang pagtataas sa presyo ng bilihin (mapa-pagkain, langis o damit man yan) ang nararanasan ngayon. Tuloy, ang mga mahihirap na hindi na makaahon sa kanilang kalagayan ay lalong nalulubog; lalong humihirap ang mga mahihirap at ang dating mga hindi naman mahihirap ay naghihirap na rin.

At sa mga tanong na, Bakit pa nila kailangang pumatay ng mga tao, kung ang habol naman talaga nila ay pera? Bakit hindi na lang nila kinuha yung pera, pagkatapos ay umalis na lamang sila o magtago sila?, masasabi ko lang na sa panahon ngayon, tila tuluyan nang nalason ng kahirapan ang isip ng maraming Pilipino at tuluyan na silang naging desperado para makakuha lamang ng pera na makabibili ng mga pangangailangan nila at ng kanilang pamilya. Oo, madaling sabihin na “hindi kasi nagsisikap na makahanap ng trabaho ang mga taong ito kaya hindi sila makaagpas sa kahirapan”. Subalit, naniniwala akong malaki rin ang kontribusyon ng mga structures sa lipunan ngayon. Hindi maipagkakailang sa kabila ng pagbibigay ng ilang trabaho sa mga mahihirap, hindi pa rin maaalis ang diskriminasyon sa trabaho. Halimbawa, hindi binibigyan ng sapat na benepisyo ang mga manggagawa. Mas malala pa, maraming manggagawa ang hindi nabibigyan ng sapat na sweldo at minsan pa’y hindi na talaga nakatatanggap ng kanilang buwanang sweldo. Kaya naman, marami ang lumalahok sa mga strike upang makuha ang mga dapat na nakukuha nila. Karaniwan, hindi nagugustuhan ng mga kumpanya ang ganitong mga eksena kaya naman napatatanggal din sa trabaho ang mga manggagawang ito… balik nanaman sila sa dati nilang mahirap na pamumuhay.

Hindi ko ipagkakailang mali at talagang imoral ang ginawa ng mga pumatay sa mga empleyado ng RCBC. Subalit, mahalagang tignan rin ang balitang ito sa anggulo ng mga suspek. Una sa lahat, siguradong desperado na para makakuha ng pera ang mga suspek ng krimeng ito. Marahil, kinailangan nila ng napakalaking pera para sa mga personal na bagay. Hindi man nila talaga nais na pumatay ng tao, sa palagay ko’y kumapit na lang sila sa patalim anng dahil sa matinding pangangailangan. Ikalawa, sa palagay ko’y nataranta na ang mga suspek kaya naisipan nilang patayin na lamang ang mga empleyado ng RCBC. Alam nilang hindi sila makalulusot sa ginawa nila kaya kailangan nilang burahin ang mga maaaring humadlang sa kanilang pagkuha ng pera at ang pagpatay ang nag-iisang (at natitirang) paraan upang makuha ang pera.

Bali-baliktarin man ang sitwasyon, walang kaduda-dudang dapat makulong (o kaya mapatay rin) ang mga suspek ng krimeng ito. Totoo, instrumento ang mga ganitong klaseng balita sa pagpapakita ng laganap na kahirapan sa Pilipinas. Subalit, maaari rin itong gayahin ng mga kabataang nakapanood at makapanonood ng mga ganitong balita. Samakatuwid, kailangang maipakita na may karampatang (at mabigat) na parusa sa sino mang gumawa at gagawa ng mga ganitong krimen upang hindi gayahin ng ibang nakapanood, lalo na ng kabataan. Ang masaklap lang, tila hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon ang balitang ito. Natabunan na naman ito ng iba pang mga krimeng hindi rin mareresolba. Nakakapangamba tuloy na baka pumasok sa isip ng mga manonood na sa kabila ng pagkaimoral ng mga nasabing gawain, malulusutan naman ito dahil hindi natututukan at nareresolba ng mga pulis.