Blog transfer. File from: http://thelittlepoliticians.blogspot.com/.
Nagmamahal na halos lahat ng bagay ngayon dito sa ating bansa, simula sa mga pagkain hanggang sa mga gamit pang-paaralan. Alam naman natin na ang pagmahal ng mga bilihin ay bahagi na ng pagiging Pilipino. Ngunit sa mga nakaraang araw, linggo at buwan, tila mas mabilis at di mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayaring ito.
Tayong mga nabibilang sa nakaaangat na bahagi ng lipunan ay hindi gaanong nararamdaaman ang mga pagbabagong ito. Pero para sa mga namumuhay sa mas mababang antas ng lipunan ay ang siya tilang napaka-apektado. Ang kanilang kinikita sa trabaho araw-araw ay sapat na sapat lamang para sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya, minsan wala ng natitira dahil ang bahagi nito ay napupunta na sa TAX o buwis.
Ngunit, nito lamang Huwebes (Mayo 29, 2008) napagbigay alam na sa mamamayan na naiangat ng Kongreso ang Tax Exempt Bill. Para sa kapakanan ng mga hindi pa nakaririnig kung ano ang bill na ito, ang Tax Exempt Bill ay ang siyang nagsasaad na hindi na sisingilin ng buwis ang mga minimum wage earners at ang mga individual taxpayers naman ay may mga onting benepisyo rin na matatanggap. Ang hinihintay na lang para maipasa ang bill na ito ay ang pirma ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Hindi man ito ang pagbabagong hinihintay natin, isa na rin itong hakbang para masimulan ang pagpapaunlad ng ating bansa. Hindi lamang iyon, mas mapapagaan (hindi man tuluyan ngunit kahit papaano) nito ang buhay ng mga naghihirap.
Isipin na lang natin na kapag naipasa ang bill na ito ay matutulungan natin ang mga kapwa nating Pilipino at marahil ay sa pagdaan ng panahon ay iakyat ang antas ng bill na ito na kung hindi man tatanggalin ay babawasan ang halaga ng mga buwis.
Sa panahon ngayon ay malaki ang maitutulong ng Tax Exempt Bill dahil madaragdagan na ng kaunting halaga na kinikita ng mga minimum wage earners ay hindi pa nila kakailanganin na magbayad ng buwis. Ang hakbang na ito ay malaki ang maitutulong sa mga naghihirap na pamilya dahil matutustusan na nila ng hindi nangangamba ang mga pangangailangan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.
Kung iniisip niyo kung paano naman ang mga mawawalang bahagi ng singil na buwis mula sa mga minimum wage earners, may sangay ang pamahalaan na siyang magiging tagapag-ayos ng mga pagbabagong magaganap. Kaya, kahit mawalan ng ganitong halaga ang pagsingil ng buwis, ito ay mapaplitan ng malapit na kaparehong halaga dahil sa mga ibang sangay ng pamahalaan.
At ang mas magandang pang balita ay lalagdaan na ni Pangulong Arroyo ang Cheaper Medicine Bill. Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na lalagdaan ang bill na ito para maging batas sa ika-una o ikalawang linggo ng Hunyo. Magiging malaking tulong ito sa lahat dahil lalo na ngayong panahon ng tag-ulan ay mas marami ang nagkakasakit at nagkakaroon ng trangkaso. Mabibili na nila ang mga kinakailangan nilang gamot sa mas mababang halaga.
Ang mga ito ay magandang kaalaman para sa atin dahil nakikita natin na kahit papaano, ang mga kinukutya at itinitiwalag natin na pamahalaan ay gumagawa ng paraan para kahit papaano ay mapaginhawa ang buhay nating mga Pilipino. Pinapatunayan pa rin nila na hindi lahat sa kanila ay kurakot at natutulog lamang. Mayroon pa rin sa kanila na handang maglingkod at ginagawa talaga ang trabahong pinangakuan nilang gawin.
Sa pagpapapasa ng mga bill na ito ay mababawasan ang mga pangamba ng mga Pilipino na tuluyan na silang mabaon sa kahirapan. At kahit na nagsisitaasan na ang mga bilihin, nagkakaroon pa rin ng mga munting paraan ang pamahalaan para makasabay ang mga Pilipino.
Ang mumunting pangyayari na ito na naganap sa kongreso ay marahil hindi malaking bagay para sa ibang tao ngunit para sa mga taong apektado ang mumunting pangyayaring ito ay isa ng malaking pagbabago na makapagbabago ng galaw ng kanilang mundo.
Sunday, June 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Isa nga itong mabuting balita para sa ating mga kapwa pilipino na maliliit lamang ang kinikita. Kahit papaano giginhawa sila sa hirap na dinadanas nila ngunit mararamdaman pa rin nila ang sakit ng kahirapan. Oo hindi nga ito malulutas ng basta tax exempt bill at cheaper medicine bill lamang pero ako ay natutuwa na ang ating pamahalaan ay nagpapakita ng malasakit sa ating mga kapatid na mahihirap. Ikinala ko pa naman na kanilang sarili na lamang ang iniisip nila ngunit ipinakita nila na hindi. Pinapangarap ko lamang na ituloy nila ito at huwag masyado isipin ang kanilang sarili kundi ang mamayanan na nararapat naman talaga nila alagaan
Malaking tulong na ito para sa mga mamamayan ng ating bansa na di gaanong malaki ang kinikita at kinukulang upang suportahan ang kanilang mga pamilya. Lalo na sa panahon ngayon dahil tumataas na ang presyo ng mga bilihin.
Isang maliit na hakbang ito tungo sa isang mas mabuting bansa. Kahit na konti lang ang maitutulong nito sa mga tao, tulong pa rin ito at masaya na dapat tayo sa nakukuha natin. Buti nga at hindi napupunta ang pera na ito sa bulsa ng mga kurakot na opisyal.
Sana lang na ang pera na nakuha nila sa pagiging exempt sa buwis ay mapupunta sa hanapbuhay at kinabukasan ng mga pamilya nila, at hindi sa mga droga, alak, at pagsusugal.
Ang ginagawang hakbang na ito ng ating gobyerno ay tunay ngang isang mabuting paraan upang tulungan ang mga Pilipinong nangangailangan. Alam naman nating lahat na laganap dito sa ating bansa ang kahirapan, kahit saang sulok ng Pilipinas, marami kang makikitang taong namamalimos at nakatira sa iskwater.
Nakatutuwang isipin na ang ating gobyerno ay gumagawa ng paraan upang mabawasan ang paghihirap nating mga pinoy. Ang pagpapatupad nitong Tax Exempt Bill ay makapagbibigay ginhawa sa'ting kapwa Pilipino na maliit lamang ang sahod.
Sana ay magtuloy-tuloy pa ang mga ganitong proyekto o bills na ipinapatupad ng ating pamahalaan. Sa ganitong paraan, nababawasan ang hinanakit ng mga tao. Sana rin ay tayong mga Pilipino ay suportahan ang mabubuting ginagawa ng ating gobyerno dahil ito ay para rin sa ating ikauunlad.
Magandang balita ito dahil nakakatulong ito sa ating bayan lalo na sa mga mahihirap. Dahil ngayon ay halos lahat ng bagay ay tumataas na. Ang isang bagay na hinde tumataas ay mga sahod nila, kaya minsan ay kulang pa ang kanilang kinikita sa trabaho. Ngunit ngayon ay may onteng tulong ito sa atin.
Post a Comment